Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, tikom ang bibig sa usaping Mary Christine at Derek

ni Roldan Castro

091314 Angelica Panganiban

AYAW magsalita ni Angelica Panganiban sa pagkakasangkot niya sa demanda ng asawa ni Derek Ramsay na si Mary Christine.

“Well, siyempre, kinu-call ‘yung attention namin ng management at ng Star Magic pero ang advise na lang nila ay ‘wag na lang magsalita sa isyu para hindi na madagdagan pa,” sey niya nang dumalaw kami sa taping ng Banana Split: Extra Scoop na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN 2. Mayroon ding Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila.

Ano ang masasabi niya sa ex-boyfriend niyang si Derek na may pinagdaraanan sa kanyang asawa at anak.

“Ayaw ko nang magsalita. Siguro, tapos na ‘yung chapter na ‘yun sa life ko. Okey na ‘yun. Kung anuman ang pinagdaraanan niya, sana ma-settle nila ng maayos. Siguro mabigat na ang pinagdaraanan ng both parties at hindi na ako kailangang sumali pa,” deklara niya.

Puwede ba siyang mag-react sa isyung isinasama sila sa demanda bilang mga nakarelasyon ni Derek?

PRIVATE PROPOSAL ANG MAS TYPE

Samantala, nauuso ang wedding proposal, wala bang balak humabol sina John Lloyd Cruz at Angelica na umabot na ng almost three years ang kanilang relasyon?

“Wala pa… pero siyempre ang wish mo ay doon kayo uuwi, ‘di ba? Pero sa ngayon , wala pa,” aniya.

“I don’t think ako ‘yungang makapagsasabi niyon, ‘di ba? Siguro kaya ganoon ka-surprising sa mga babaeng inaalok ng kasal dahil nga nagugulat sila, dahil hindi naman nila ini-expect.”

Gusto rin ba niya ‘yung gaya ng ginawa ng co-actor niya sa Banana Split na si John Prats na proposal kay Isabel Oli?

“Hindi siguro. Mas gusto ko siguro ‘yung private lang,” pakli ng aktres.

May isang taong kontrata pa si Angelica sa Kapamilya Network. Anong nangyari sa seryeng Pasion De Amor na napabalitang kasali siya pero hindi natuloy?

“Supposedly pero may ipinakita sila sa akin na mas napusuan ko, mas nagustuhan ko. Actually, decision naman ‘yun both . Nag-meet kayo in between bilang artista at saka ng management, ‘di ba? Siyempre, roon ako sa mas gusto ko,” bulalas pa niya.

“This year namin sisimulan pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ‘yun at kung sino makakasama ko,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay tahimik, kalmado ang buhayniya? Sabi nga ni Pooh, parang nasa alapaap siya sa larangan ng pag-ibig.

“Ganoon? Alapaap kaagad. Masaya , kalmado ang lahat,” sambit niya.

TYPE MAKA-TRABAHO MULI SI ANGEL

Tinanong din namin ang kontrobersiyal niyang tweet na nag-react ang fans ni Angel Locsin. Tungkol ito sa “Te… Ang comedy, may tamang pasok… Wag mo ipilit… Sakit na ng ulo namin..”

Inamin niya na ang kaibigan niyang si Pooh ang tinutukoy niya at hindi si Angel.

“Oo, magka-text kami talaga noon. Tapos tinext ko siya after ng Tweet ko. Sabi ko, ano ba ‘yan, ang laki na ng isyu. Actually, habang on going ‘yung ‘Showtime,’ nag-usap kami ni Pooh.

“Okey naman kami ni Angel. Hindi ko na rin pinatulan ‘yung isyu. Noong mamatay ang mommy ko, nagpadala siya ng bulaklak. Tapos noong nanalo kami sa Guillermo, after niyon, nagpalitan kami ng text,” kuwento niya.

Paano kung bibigyan sila ulit ng project na magkasama, tatanggapin niya?

“Ngayon… Siguro, oo. Personally, I think okey na sa akin ‘yun,” pakli pa niya.

LLOYDIE, IPAKIKILALANG MULI SA AMA

Samantala, sa November ay magkikita raw si Angelica at ang father niya. Pupunta raw siya ng US at bibisitahin niya ang family niya. Pupunta rin daw ang daddy niya sa LA. Two weeks daw siya magtatagal doon at kasama si Lloydie. Na-meet na raw dati ni John Lloyd ang daddy niya pero hindi isang boyfriend pero ngayon bilang isang nobyo.

Anyway, huwag palalampasin ang mga pasabog sa Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado. Kumpleto ang saya ng weekend kasama ang iba pang Kapamilya comedy shows. Panoorin ang Home Sweetie Home tuwing Sabado ng 6:00 p.m., LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19, Goin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …