Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Volleyball title target ng Ateneo

101114 uaap volleyball

PAGKATAPOS ng masakit nitong pagkatalo sa Final Four ng men’s basketball, pagdedepensa ng titulo ng women’s volleyball ang pakay ng Ateneo de Manila sa UAAP Season 77.

Sinabi ng athletic director ng Ateneo na si Ricky Palou na ang National University ay magiging unang kalaban ng tropa ni coach Tai Bundit sa Nobyembre 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pangunguna nina Alyssa Valdez at Denden Lazaro, tinalo ng Ateneo ang NU sa Final Four at La Salle sa finals upang makamit ang kaunaunahan nilang korona sa women’s volleyball ng liga.

Ang men’s team naman ay natalo sa NU sa finals.

“The girls are practicing twice a day,” wika ni Palou. “Our title defense will be hard because La Salle and NU are raring to get back at us. There is also FEU and UP that have also been rebuilding. We will focus on hard work and defense which carried us to the title last season.”

Idinagdag ni Palou na may ilang mga rookies na kasali sa Lady Eagles sa pangunguna nina Joanna Maraguinot at Therese Gaston na anak ng dating PBA player na si Matthew “Fritz” Gaston.

Lilipad ang Lady Eagles patungong Thailand at tatagal sila roon ng 12 araw para mag-ensayo para sa UAAP.

Tungkol sa men’s basketball team, sinabi ni Palou na babalik sa ensayo ang tropa ni coach Bo Perasol sa susunod na linggo para paghandaan nila ang UniGames sa Iloilo at ang regional qualifiers ng Philippine Collegiate Champions League.

“We’ll have to work harder in the qualifiers,” ani Palou. “This is the first time in a long while that we are not seeded in the PCCL.”

Dalawang Eagles — sina Chris Newsome at Nico Elorde — ay lalaro para sa Hapee Toothpaste sa PBA D League.

 

Ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …