KOMPIYANSA ang Malacañang na hindi nagkulang ang Department of Justice (DoJ) sa kanilang pangangalap ng ebidensya noon laban sa mga sangkot sa pork barrel scam.
Partikular dito ang kasong plunder laban kina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Reaksyon ito ng Malacañang sa pagkakatugma ng findings ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at testimonya ni Benhur Luy laban kay Revilla.
Napatunayan ng AMLC na lomobo ang yaman ni Revilla sa panahong nag-deliver ng pork barrel kickback si Luy.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patunay itong ginawa ng DoJ ang trabaho at hindi gawa-gawa ang kaso.
Ayon kay Valte, patunay din itong hindi politically-motivated at hindi na-single-out ang tatlong senador.
Lalo pa anilang lumakas ang kanilang paniwalang for conviction ang kasong plunder sa tatlong senador.