Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panginip: Buhay pa pero ini-embelsamo na

00 Panaginip

To Señor H.,

I just wanna ask about my dream last night.. nanaginip po kse ako na ung tipong buhay na buhay pa ako tas parang pinipilipit na mamamatay ako sa panaginip ko tapos yung iimbalsamo ako na tipong my malay tao pa ko ano po bang meaning nun pls paki answer i’m rochelle from cainta rizal. (09267203238)

 

To Rochelle,

Kapag nanaginip ng hinggil sa sariling kamatayan, ito ay nagsasabi ng mahalagang pagbabago sa iyong buhay. Maaaring ikaw ay naliliwanagan o mas nagiging spiritwal. Posibleng nagpapakita rin ito na ikaw ay nagpipilit na makawala sa mga hinahanap at mga pangangailangan ng pang-araw-araw na pamumuhay mo. May mga pinagsisisihan kang bagay at isang paraan para makayanan o malagpasan ito ay ang self punishment na maaaring hindi mo namamalayan na ginagawa mo sa iyong sarili. Dahil sa nararamdamang guilt at kahihiyan sa mga nagawang hindi na maibabalik pa o maaayos pa, kaya mo ito nagagawa. Kailangang mag-move-on ka na, magsimula ulit, iwanan na ang mapapait na alaala ng nakalipas at harapin ang isang masigla at bagong umaga na may pag-asa tungo sa pagbabagong inaasam. Iwaksi ang mga negatibong bagay at laging mag-isip ng positibo para makapagdesisyon ng maayos sa araw-araw.

Maaaring ang naranasan mo ay isang bangungot din, ito ay maaaring nagsasaad na sobraang pagpapasarap at pagiging maluho sa iyong lifestyle, sa puntong nawawalan ka na ng sariling disiplina. Dapat kang maghinay-hinay at hayaan na ang iyong isipan at katawan ay makapagpahinga at gumaling sa anumang sugat, emosyonal man, mental, o pisikal. Alternatively, maaari rin namang ang kahulugan nito ay hinggil sa setback na nararanasan sa iyong mga mithiin sa buhay. Dapat na matutuhang tanggapin ang mga negatibong bagay at gawin itong positibo. Kung mauulit ang ganitong panaginip, makakakatulong kung magdadasal muna bago matulog, para may kapanatagan ang iyong isipan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp sumasalamin sa diwa ng kasiningan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA and mga produktong iprinisinta ng Sinelas.atbp. na pag-aari ni Ms. Amelita Revilla noong Martes, …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …