Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, balik Kapamilya Network?

ni Pilar Mateo

101114 mmk jm nadine

TWISTS and turns! THIS was Isabel Rivas’

reply to me sa Facebook, nang usisain ko siya sa relasyon ng kanyang anak na si Richard Chua sa aktres na si Nadine Samonte.

“Hahahaha…w/ pleasure my friend, I’m the happiest mother to have Nadine in our life. She is the best woman for my son, I can’t thank God enough that so Nadine ang ibinigay ni Lord sa anak ko…she is a very very good person, wala akong hindi ibibigay para sa kaligayahan nila my friend…I always pray for them & I love them very much, masuwerte sila sa isa’t isa dahil pareho silang mabuting anak ng Diyos..,tnxx Pilar, God bless you too.”

Pero nang tungkol na sa paglagay sa tahimik ng dalawa ang tinanong ko kay Isabel na naninirahan ngayon sa Amerika, simple lang ang isinagot nito na sa bagay na ‘yun ang dalawa ang makasasagot tungkol sa mga plano nila. Na wala naman daw problema sa kanya.

Marami na nga ang nag-akalang lalagay na sa tahimik si Nadine. Pero sige pa rin pala ito sa patuloy na pagpu-push sa kanyang career.

Masasabi na nga yatang she’s gone full circle. Dahil nagsimula siya sa Star Circle. Napunta sa GMA-7. At naging Kapatid na. At natapos na ang kontrata niya sa TV5 noong Hulyo ng taong ito.

At sa Sabado, October 11, 2014, matutunghayan na siya sa pagsalang sa MMK (Maalaala Mo Kaya) opposite JM de Guzman.

Lilipat na ba siya o babalik sa Kapamilya?

Mas pinipili raw kasi ni Nadine ngayon ang maging freelancer. At hindi muna magpapatali sa isang kontrata o kasunduan. Uunti-untiin muli ang pagharap sa kanyang karera?

Gaganap bilang si Joeven si JM, ang binatang nagawang iwasan ang binabaeng may gusto sa kanya sa tulong ni Rachel, na gagampanan naman ni Nadine, na pumayag na magpanggap bilang girlfriend.

Posible nga bang mauwi sa seryosohang pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa kunwa-kunwarian?

Makakasama nina JM at Nadine sa episode sina Neil Coleta, Karen Reyes, Almira Muhlach, Paco Evangelista, Elaine Quemel, Kim Molina, Dawn Jimenez, at Aina Solano, sa direksiyon ni Nuel Naval at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 8:00 p.m., pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKTwistsOfLove.

Nadine has had her share of twists in her career. And in one final turn-will she join the marrying bandwagon in the coming year? O, depende kung magiging isang true-blue Kapamilya uli siya (na nagmula sa Star Circle)?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …