Wednesday , December 25 2024

MPD Tondo 1 station paboritong hagisan ng granada?! Bakit!?

00 Bulabugin jerry yap jsyAYAW nating magkatotoo ang sasabihin natin ngayon, pero kung magpapakaang-kaang lang ang mga opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) Raxabago Station (PS1) sa Tondo, Maynila baka sa susunod ‘e C-4 bomb na ang maibagsak d’yan sa estasyon nila.

Mantakin ninyong anim (6) na buwan lang ang pagitan nang huling hagisan ng granada ang nasabing estasyon tapos inulit nitong nakaraang Lunes?!

Ayon kay P/Supt. Virgilio Valdez Viloria, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo, nakasuot ng black helmet ang naghagis ng granadang MK2 bandang 10:15 p.m. na ang napinsala ay ‘yung nakaparadang motorsiklo ni Rumpel Robles at ibang pulis nila.

Noong Abril, maraming sasakyan ang napinsala sa granada inihgais kabilang na ang sasakyan ng dating station commander na si P/Supt. Julius Anonuevo.

Ano ang naging resulta ng imbestigasyon sa unang insidente?

At ngayong ikalawang insidente?!

MALAKING NGANGA!

Kayang-kayang humulagpos ng mga suspek sa kamay ng law enforcers sa area of responsibility (AOR) ng MPD PS-1.

Kaya nga ang tanong, bakit nga ba paboritong tapunan ng granada ang MPD PS1?!

Ano ang mga hulidap ‘este ang dahilan n’yan?

Isang matinding hamon ito kay bagong MPD district director Senior Supt. Rolando Nana…

By the way, isang malaking CONGRATS kay Kernel Nana at sa wakas ay nakopo niya ang directorship ng MPD.

Sandaling nag-OIC sa MPD si Kernel Nana noong lumayas ‘este nalipat si Gen. Genabe.

Sana’y maging maganda ang working relationship n’yo ni Kernel Gilbert Cruz (ang favorite kernel ni Erap). At sana’y matagpas ninyo ang mga bagman ng MPD sa teritoryo n’yo Sir.

Hangad ko po ang tagumpay ng pamumuno n’yo Kernel Nana.

P’wera usog ha!?

Back to issue, busisiin ninyo KERNEL NANA kung bakit ang lakas ng loob ng naghahagis ng granada d’yan.

Gumaganti ba ang mga ‘yan na nahulidap o nabangketa o naeskoba ng ilang pulis-matulis ‘este pulis ng PS-1?

Huwag na ninyong hintayin na mataniman pa ng C-4 ‘yan!

Boom panot!!!

WALANG KAPAGOD-PAGOD ANG ABERYA NG MRT (MAKAPAL BA TALAGA ANG MUKHA N’YO?)

MUKHANG dadaigin ng sunod-sunod na aberya ng MRT ang pagtitiis at pagtitiyaga ng commuters sa kanilang serbisyo.

Sawang-sawa na ako tuwing umaga kapag napapanood sa iba’t ibang TV morning programs ang commuters sa mga aberya ng MRT pero ang MRT mukhang hindi nagsasawa sa kaaaberya.

Mantakin ninyo, kung kayo ay isang commuter, pipila kayo nang pagkatagal-tagal dahil napakahaba ng pila.

Nagtitiyaga pumila ang mga commuter kasi nga mura at mabilis (sana) ang MRT.

Pero ang masama, pagdating nila sa itaas, may aberya pala ang MRT kaya baba na naman sila at sa bus naman maghihintay nang matagal para makasakay at makipagsiksikan na kapag minalas-malas ‘e madudukutan pa.

‘Yan ang buhay ng sambayanang commuters sa Philippines my Philippines.

Magbawas lang ng tax para sa BIR at sumingil ng contributions sa SSS, GSIS, Philhealth, Pag-IBIG ang mabilis dito sa Pinas.

Pero pagdating sa mga serbisyo, BULOK.

Sonabagan!!!

Noong una ay ayaw nating paniwalaan ang tsismis na sinasadya ang aberya para nga raw mapilitang bumili ng bagong bagon ang gobyerno na dapat sana ay kargo ng pribadong kompanya na namamahala sa operasyon ng MRT.

E paano nga kung laging nasisira at nagkakaaberya, ano ang gagawin n’yo?

Bumigay sa gusto ng pribadong kompanya?!

Hindi ba blackmail ‘yan?!

Luging-lugi na ang sambayanang Pinoy sa inyo!

Hindi mo ba maramdaman DoTC Sec. Pabaya ‘este Abaya!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *