Thursday , December 26 2024

Mga Paraan sa Pagtitipid

101114 savings

NARITO naman ang ilang pamamaraan para makapagtipid sa ating mga pang-araw-araw o buwanang gastusin.

Magtipid sa elektrisidad

at tubig

Narito ang ilang paraan para makapagtipid sa ating budget at makatulong din sa ating environment.

Pagtitipid sa elektrisidad:

Patayin ang heater, air-conditioner at ilaw sa silid na hindi ginagamit.

Hayaan ang mga kurtina o blinds na nakasara sa gabi para mapanatili ang temperatura sa silid.

Patayin ang electrical appliances sa powerpoint.

Patayin ang TV at computer kapag walang gumagamit.

Gumamit ng ‘energy efficient’ na ilaw.

Buksan lang ang washing machine at dishwasher kapag puno ito.

Pagtitipid sa tubig:

Mag-shower sa loob ng dalawang minuto lang.

Gumamit ng ‘grey water’ mula sa inyong washing machine o shower para di-ligan ang mga halaman.

Maglagay ng water efficient na dutsa (shower head).

Maglaba ng damit gamit ang malamig na tubig.

Pagtitipid sa grocery:

Magdala ng listahan para walang maka-limutan sa ating bibilhin. Bilhin lang ang mga bagay na nasa listahan. Magiging mas madali para sundin ang ating budget kapag ginawa ito.

Ilagay ang ating grocery money sa loob ng isang envelope. Huwag magdala ng ibang pera o credit card habang namimili para hindi mapagasta nang labis sa itinak-dang pamimili.

Bumili ng bulto at mag-grocery shopping kada isang linggo. Gamitin muna ang lahat ng napamili bago bumili pa ng supply.

Kumain bago pumunta sa grocery o supermarket. Kapag hindi nagugutom, may tendency na bumili ng kaunti lamang.

Baguhin ang pag-uugali

(bisyo) at magtipid

Ang maliliit na pagbabago sa ating pag-uugali (o bisyo) ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating bank account. Baguhin ang isang bagay na ginagawa nang regular at maaaring makapagtipid ng pera. Ilang mga halimbawa ang sumusunod:

Pigiling uminom ng kape o magbawas sa alak (alcohol) na iniinom—maa-aring nakakatakot ito gawin subalit makakatulong sa ating pagtitipid at makapagbibigay ng benepisyo sa kalusugan.

Kanselahin ang gym membership at sa halip ay maglakad kung pupunta sa malalapit na lugar.

Mananghalian sa ating tahanan.

Imbitahin ang mga kaibigan na maghapunan sa ating tahanan kaysa kumain pa sa labas at hilingin sa bawat bisita na magdala ng sariling ulam.

Itago ang credit card ng isang buwan at magbayad lang ng cash.

Magtakda ng limitasyon sa mga regalo para sa kaarawan at Pasko o magbigay ng mga homemade gifts.

 

 

KInalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *