Monday , December 23 2024

Makati studs wagi sa 13th PH Robotics Olympiad (Lalaban sa Russia Robot Olympiad)

101114 pro philippine robotic olymp

ANG tatlong Robotics team na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Makati ang nanguna sa ginanap na 13th Philippine Robotics Olympiad sa SM North Annex sa Quezon City, at sila ang magiging kinatawan ng bansa para sa 11th World Robot Olympiad sa Sochi, Russia sa Nobyembre.

Sinabi ni Dr. Dominico Idanan, DepEd Makati superintendent, ang team mula sa West Rembo Elementary School ang idineklarang kampiyon sa regular category, elementary level, habang ang Pitogo High School team ay pangalawa sa kaparehong kategorya sa secondary level.

Sa robot soccer category, ang team mula sa Benigno Aquino High School ang pangalawa sa paligsahan.

Ayon kay Indanan, ang West Rembo champion team ay kinabibilangan ng Grade Six students na sina Danielle Orsua at James Paul Legaspi, at John Paul Hernandez, Grade Five, pawang sa superbisyon ni Coach Richard Abines.

Mula sa Pitogo, kasama sa team ni sophomore Dave Emmanuel Nuada si Joevy Bargo, Jr. at Daniel Figueroa, kapwa fourth year high school students, sa superbisyon nina Coaches Florante Ferrer at Roy Cabebe.

Ang Robotics team ng Benigno Aquino High School na pangalawa sa paligsahan sa robot soccer category ay kinabibilangan nina Francis Uriel Angat, Noah Christopher Tan at Mark Aljon Reales, pawang Grade Eight students, sa pangunguna ni Coach Edwin Haniel Engana.

Ipinamalas ng tatlong Robotics teams ang kanilang advanced programming skills sa national Olympiad, tinalo ang iba pang mga paaralan sa iba’t ibang school divisions, sa pribado at pampublikong paaralan.

Ang WRO ay global robotics competition para sa mga kabataan. Ito ay unang ginanap sa Singapore noong 2004, at sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 40 participating countries.

Ito ay naglalayong paigtingin ang potensiyal at oportunidad ng mga mag-aaral sa science, technology, at edukasyon sa pamamagitan ng pag-develop sa kanilang problem solving skills, creativity at education level sa iba’t ibang asignatura kabilang ang sience at mathematics.

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *