ANG Wise Old Elephant ay simbolo ng lakas, kaalaman, paglago, magandang suwerte at pagiging maingat.
SA Asian culture, ang ele-pante ay simbolo ng lakas, kaalaman, magandang swerte at maingat na pangangatwiran.
Bilang isa sa pinakasinauna at pinakarespetadong animal symbols, ang elepante ay nagtataglay na kaalaman, talino, tatag at lakas habang tumatanda.
Ang elephant symbol ay dapat ilagay sa mataas na shelf o altar bilang pagkilala at dapat ang kanilang trunks ay nakaturo paitaas, na parang itinutrumpeta ang magandang balita. Maaari rin itong ilagay sa entrance hall, ngunit nang hindi direkta sa pintuan.
Ang paglalagay ng simbolo ng palaka, elepante o unggoy sa norte ay sinasabing nagsusulong ng katatagan.