Aries (April 18-May 13) Ang impormasyong darating ngayon ay maaaring hindi reliable ang pinanggalingan.
Taurus (May 13-June 21) Mag-ingat na hindi makontrol ng isang tao ngayon. Maaaring masulsulan ka niya sa pag-aksyon nang hindi nararapat.
Gemini (June 21-July 20) Maaari kang mawindang sa impormasyong iyong matatanggap ngayon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Mag-ingat sa pagsasalita ngayon dahil posible kang masangkot sa trobol.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang darating na kasagutang matagal na hinintay ay maaaring hindi maging maliwanag para sa iyo.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan maging magaan ang iyong pag-iisip ngayon. Marami kang haharaping trabaho.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Huwag mangamba sa malalim na pagbusisi ngayon. Kailangan mong matiyak kung mapagkakatiwalaan ang mga tao.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring ikonsidera mo ang pagbabakasyon. Posibleng sa hindi kalayuang lugar.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring mapukaw ang iyong pagnanais sa bagong mga impormasyon ngayon.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Magiging maayos ang daloy ng komunikasyon ngayon kaya samantalahin ito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Huwag hayaang makapigil ang iyong pangamba sa ninanais mong tagumpay.
Pisces (March 11-April 18) Marami kang mga ideyang maiisip ngayon. Mapakikinabangan mo ang mga ito.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag agad babalewalain ang opinyon ng iba. Maaaring may punto rin sila.
Lady Dee