NAPIKON na raw si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas kaya tuluyang sinibak ang apat na district director sa Metro Manila.
Tanging itinira ni Secretary Roxas ay si Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Abelardo Villacorta.
Sa pahayag ni Roxas, tinanggap niya ang rekomendasyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Dir. Carmelo Valmoria, para sa appointments ng mga sumusunod:
SSupt. Joel D. Pagdilao bagong Quezon City Police District (QCPD) Director; Supt. Rolando Z. Nana bagong District Director ng Manila Police District (MPD); C/Supt. Henry S. Rañola bilang District Director ng Southern Police District (SPD); at C/Supt. Jonathan Ferdinand G. Miano bilang District Director ng Northern Police District (NPD).
Ang reshuffle umano ay bahagi ng intensified campaign for anti-criminality sa NCR. Nitong nakaraang mga buwan, 14 station commanders umano ng 38 police stations sa NCR ang pinalitan.
Well, sana nga ay lumakas ang kampanya laban sa mga criminal.
Isa kasi tayo sa mga mabibigo kung gagamitin lang ‘deodorant’ lamang ni Secretary Roxas ang nasabing reshuffle.
Sa mga bagong talagang district director, sana ay kakitaan kayo ng sambayanan ng seryosong paglupig sa mga pusakal na kriminal at sa iba’t ibang mukha ng kailegalan sa bansa lalo na ang droga.
Magbabantay ang bayan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com