Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maaksiyong harapan sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, masasaksihan

 

091614 bea alonzo paulo avelino

00 fact sheet reggeeSA pagtatapos ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Biyernes ay matitinding emosyal na eksena at maaaksiyong harapan ang mapapanood ng TV viewers ngayong unti-unti nang natutuklasan ng lahat na siya ay buhay pa, si Rose (Bea Alonzo) na nalalapit na rin sa pagtuklas sa tunay na may sala sa pagkamatay ng kanyang amang si Henry (Chinggoy Alonzo) at ng abogadong si Emmanuelle (ginagampanan din ni Bea).

Magtatagumpay ba si Rose sa kanyang misyon ngayong alam na nina Carlos (Tonton Gutierrez) at Sasha (Maricar Reyes) ang kanyang tunay na pagkatao? Paano nila mapoprotektahan ni Patrick (Paulo Avelino) ang kanilang mga pamilya kapag natuklasan nila na ang matagal na nilang hinahanap na mastermind na si Muerte at si Carlos ay iisa? Ano ang mananaig sa huli—hustisya o kasamaan?

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz. Mula sa direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

Huwag palampasin ang pinakamalalaki at pinaka-pinananabikang pasabog sa pagtatapos ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa saFacebook.com/SBPAK.TV,Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …