Monday , November 18 2024

Dalawang media member missing matapos ipahuli ang tupadahan sa Caloocan (Attention: DoJ)

00 Bulabugin jerry yap jsyDALAWANG media practitioner na miyembro ng Northern Police District Tri-Media Organization (NPD-TMO) ang iniulat sa inyong lingkod na nawawala.

Naganap ito nitong nakaraang linggo nang ipahuli nina Romy Santos ng dzXL 558 at Dong Sarcida ng Weekly Pinoy Patrol ang isang tupadahan na ang sinasabing operator ay isang pulis-CIDG na kinilala sa alyas na HENER.

Ayon sa info na ipinasa sa atin, ang tupadahan umano ni alyas Hener ay nag-o-operate sa Shelter sa Barangay 171 North Caloocan.

Gusto umano ng grupo nina Santos at Sarcida na ipasara ang tupadahan dahil pinagmumulan ng iba pang krimen gaya ng pagnanakaw at pagtutulak ng ilegal na droga.

Labing anim (16) katao umano ang nahuli. Pagkatapos na pagkatapos ng nasabing operation ay nawala na rin sina Santos at Sarcida kasabay ng mga nahuli sa tupadahan.

Hindi natin alam kung gaano kalalim ang isyung nasasangkot sa pagkawala nina Santos at Sarcida.

Pero bilang isang mamamahayag at mayroong mataas na pagpapahalaga sa karapatang pantao, wala pong karapatan ang sino man na piliting sumama ang isang tao sa kanila kung ayaw, lalo na kung may masamang intensiyon sa kanyang buhay.

Nanawagan ang pamilya nina Santos at Sarcida sa mga awtoridad, sa Alab ng Mamamahayag (ALAM), sa National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at sa National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) na tulungan silang makita ang kanilang mahal sa buhay na sina Santos at Sarcida.

Lubhang nakaaalarma ang sitwasyon ng mga mamamahayag sa Northern Metro Manila.

Hindi pa natin nalilimutan ang pagpaslang kina Alberto Orsolino at Maria Len Flores Somera.

At ngayon ang pinaka-latest nga ‘e ang pagkawala nina Santos at Sarcida.

Paging PNP Caloocan COP S/Supt. Ariel Arcinas, imbestigahan ninyo ang pagkawala nina Santos at Sarcida!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *