Saturday , November 23 2024

Pangulong Noynoy ‘di nagkamali sa pagtatalaga kay Sevilla

00 parehas jimmy

NOONG umupo si Commissioner John Sevilla samo’t sari ang usapan at kung ano-anong mga balita ang naglalabasan na pansamantala lang siya pero nang nagtagal ay dumami na ang humanga sa kanya at unti-unting nawawala ang katiwalian sa Adwana.

Talagang reporma at kamay na bakal ang kanyang ipinatupad at lahat ay sumusunod.

Maraming mga broker at importer ang natutuwa sa kanya dahil sa kanyang estilo. Siya ay mabait at walang bahid dungis. Masyado lang siyang hinusgahan noon pero ngayon ay napapabilib niya ang marami pati si Pangulong Noynoy, Sec. Purisima, Comm. Henares ay bilib sa kanya.

Marami na siyang inayos at talagang puspusan ang kanyang pagtatrabaho mas lalo ngayon Ber months ay lalo niyang paiigtingin ang pagbabantay sa mga Puerto at sinisiguro niyang walang makalulusot na mga smuggler. Laging nakasuporta sa kanyan ang deputy commissioners, collectors at lahat ng empleyado sa Aduana.

Wala nang nakalulusot na kahit anong ilegal na kargamento dahil todo bantay at laging alerto ang CIIS at ESS.

Sa Assessment naman ay talagang nagtatrabaho silang maigi at masayang tinutupad ang reporma sa Bureau of Customs.

Kaya naman sa pagkakatalaga sa kanya ni PNoy sabi ng marami mabait pala si Comm. Sevilla at talagang he is a nice guy. Talagang estrikto lang siya sa trabaho at sa pagtupad ng reporma.

Dahil ‘yun ang utos sa kanya at tiwala tayo na nagagampanana na niya ang reporma at nagiging maayos na ang takbo ng sistema sa Aduana.

Ayon sa mga nakakausap natin na examiners at appraisers si Comm. Sevilla ay may puso at makatao, mabait siya talaga basta sumunod sa kanyang plataporma kaya naman tama na maitalaga siya bilang Commissioner dahil sa kanyang experience at pinag-aralan. Matalino siya at masipag kagaya rin ni Pangulong Noynoy Aquino. Pareho silang may prinsipyo and they are working hard for the government.

Hindi sila basta-basta susuko sa kanilang naumpisahang pagbabago at siyempre nakasuporta ang lahat sa kanila para sa tuwid na daan na patutunguhan ng ating bansa.

Kung kaya ni Pangulong Noynoy na sugpuin ang mga tiwali tayo rin ay naniniwala sa kakayahan at paninindigan ni Comm. Sevilla na kaya niyang sugpuin ang smuggling sa ating bansa kaya lahat gagawin niya at ‘di titigil ang kanyang kamay na bakal kagaya ng patuloy na pagsampa ng kaso sa mga tiwaling negosyante sa Department of Justice.

Kaya mag-ingat ang mga gumagawa ng kalokohan sa Aduana dahil may kalalagyan kayo.

Kaya nga si Comm. Sevilla ay kahalintulad din ng mga kaibigan ko na patuloy na tumutulong sa Administrasyong Aquino na kagaya ni dating Commissioner Lito Alvarez, Comm. Guillermo Parayno at kumapre kong si Businessman Bert Lina at BIR Deputy commissioner Estella Valdez.

Ganyan talga si Comm. Sevilla dahil ipinapatupad niya ang tuwid na daan ni Pnoy at tumaas ang ekonomiya ng ating bansa.

Mabuhay ka Comm. Sevilla. Keep up the good work at pagpalain ka ng Panginoon.

***

Happy birthday pala sa aking kaibigan na si NAIA District Collector Ed Macabeo.

More birthdays to come at Mabuhay ka pare.

Isa ka sa mga opisyal na nagtataguyod para sa ekonomiya ng ating bansa at naniniwala ako na malayo pa ang mararating mo Collector… so keep up the good work!

At kasama rin niya si Coll. Francisco Matugas na handang tumulong ano mang oras kaya masyado nang binabantayan ni Coll. Matugas ang kanyang mga nasasakupan.

Sinisiguro niya na magbabayad ng tamang buwis ang mga importer at broker at mga balikbayan.

Pero ito tandaan niyo hindi po masama ang Bureau of Customs.

Napakarami ng pagbabago, hinuhusgahan lang ng maruruming isip at marami naman diyan ang naghihikaos sa buhay.

Sa totoo lang pinakamayaman pa rin ang mga smuggler kaya dapat sila ang maparusahan at iba pang mga corrupt government agencies na ‘di napagtutuunan ng pansin.

Kaya sana Comm. Sevilla ‘yung mga natitira pang scalawags diyan sa Bureau of Customs na ngayon ay hindi pa rin matibag, dalhin sa CPRO at ‘yung mga matitino na nadala sa CPRO at nadamay lang ay ibalik na sa Customs.

Congratulations pala kay M/Gen Elmir Dela Cruza sa kanyang pamumuno sa Manila International Container Port.

Ito lang ang masasabi ko sa BoC, huwag kayong mawalan ng pag-asa, bagkus kailangan ang tibay ng loob para ang liwanag ay muling mamamasdan.

Go! Go! BOC!

 

Jimmy Salgado

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *