PATULOY ang isinasagawang ugnayan ng Manila Police District (MPD) sa mga komunidad bilang hakbang laban sa pagtaas ng bilang ng kriminalidad sa lungsod sa kabila nang nalalapit na balasahan at rigodon sa hanay ng Manila’s Finest.
Isinagsawa sa ilalim ng programang “Serbisyong Makatotohanan” ng pulisya na inilunsad kamakailan para sa maayos na ugnayan ng mga awtoridad at ng komunidad sa bawat barangay.
Patuloy na pinalalakas ng 11 estasyon ng MPD ang police community relations (PCR) upang matamo ang target na ‘zero crime rate’ sa kanilang nasasakupan.
Naging masigla ang talakayan sa inilunsad na anti-crime seminar na nagturo ng mahahalagang paksa para tumulong sa pagsugpo ng kriminalidad.
Nagkaroon din ng actual teaching/training lesson kaugnay sa self defense, disaster awareness at tips upang makaiwas sa masasamang loob o kung paano lalabanan ang mapagsamantalang indibidwal.
Nagsimula ito sa inisyatibo ni NCRPO Training chief, Supt. Rod Mariano sa utos ni NCRPO chief, Gen. Valmoria. (BRIAN BILASANO)