KUNG gusto ng katubusan ni Pangulong Benigno “NOYNOY” Aquino III sa mga mamamayang desmayado sa kanya, palagay ko’y malaking pagbawi kung haharapin niya ang talamak na problema sa Philippine sports.
Ang dami nating magagaling na athletes sa bansa. Pero hindi nasusulit ang galing dahil napapabayaan sila.
Milyon-milyon ang pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Richie Garcia, pero saan napupunta?
Mantakin ninyo, nagkamedalya nga tayo, pero kulelat naman. Kulelat sa Asian Games?!
Parang ang sakit sa ulo n’yan. Ang laki ng pondo pero kulelat?!
Lalo na sa Philippine Olympics Committee (POC) na pinamumunuan ni Unlce Peping. Ang laki ng pondo n’yan pero wala rin tayong binesa kompara sa ibang bansa.
Sa ganang atin, dapat na sigurong panghimasukan ng administrasyon ni PNoy ang lumalalang pagbagsak ng mga athlete natin.
Kung malaking pondo ang inilalaan d’yan pero kulelat lang tayo lagi, e buwagin na ang PSA at POC.
Or better yet, palitan na ang mga kinakalawang na namumuno d’yan.
Pero bago palitan dapat i-audit muna ng Commission on Audit …
Hala nga, subukan nga natin ang galing ni Madam Heidi Mendoza, Madam Grace Pulido-Tan …
Pakibusisi n’yo nga sa team niya ang PSA at POC …
T’yak kakasahan ni Madam Heidi ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com