Friday , December 27 2024

Malaking Pag-aalsa sa Customs

00 Palipad hangin Arnold atadero

MARAMING gustong ipatupad si technocrat Customs Commissioner John Sevilla na “anti-economy “ daw na lalong nagpapahirap sa mga importer na may transaction sa Bureau.

Nang dahil sa mga nakahihilong mga patakaran na para raw pangigigipit sa mga port user, nagbabalak tuloy na mag-also (revolt) kahit iyong malalaking organization ng stakeholder.

Ilan lang sa mga hindi raw maayos na policy ni Sevilla, na walang kamag-anak, kaopisina at palakasan sa kanya, ay iyong halos kanyang pagtulog sa mga naka-pending na document, lalo na ang alert order na isinasangguni sa kanya ng mga awtorisadong opisyales na mag-hold ng kargamento. Ang gusto niya ideretso na lang sa auction division imbes idaan sa law division ang mga apprehended/seized goods upang maalis daw ang corruption. Hirap na mag-follow-up sa opis niya ang mga kargamento na subject ng alert order.

Dapat din daw ibunton kay Sevilla ang port congestion sa MICP at P0M. Ito raw ay dahil iyong mga tinutulugan na mga kargamento na dapat isyuhan ng alert order ang mga containerized shipment. Isipin na lang, imbes matanggal sa pier ang mga barko na may karga ng mga container van hindi magawa ito sa dahilang hindi inaaksyonan ng opis ni Sevilla ang mga nasabing alert order.

Ang mahirap para sa mga port user tulad ng mga personero o ng mga customs broker ay wala silang access sa opis mismo ni Sevilla para mag-follow-up na para bang isang mortal sin or serious crime ito.

Tsk tsk tsk …

Heto nga ang isang kwento tungkol sa isang nag-follow-up daw ng isang kargmento. Ang reaction daw ni Sevilla, “I don’t entertain relatives.” Maganda sana ito, pero si Sevilla ay isang public servant. Hindi niya dapat itrato ang transacting public na pawang mga smuggler at corrupt.

Maganda sana ang kanyang attitude towards sa mga negosyo lalo pa’t sa isang bulok na government agency na Bureau of Customs. Pero sa pagiging unreasonable niya, hindi accessible kahit doon sa mga mga official business, tila ayaw nang palampasin ng mga stakeholder.

Idaaan tiyak ni Sevilla sa pagiging malakas niya sa kanyang benefactor, si Secretary Cesar Purisima. Hindi siya marahil nai-intimidate sa mga nababalitang pag-aaklas ng malalaking port user.

Katwiran sa katwiran. Abangan natin kung halimbawang ituloy ang napabalitang revolt o pag-aaklas ng mga negosyante sa hinaharap na mga araw.

 

Arnold Atadero

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *