NAKARAANG linggo nagpatawag ng meeting si MIAA Senior Assistant General Manager ret. M/Gen. Vicente Guerzon, Jr., at sinabon daw nang todo ang NAIA Anti-Trafficking Task Force na pinamumunuan ni APO Bing Jose.
Ito ay dahil sa mga report at reklamo sa kanyang opisina na hindi nagagampanan mabuti ng NAIA-IACAT ang kanilang trabaho.
Pero mukhang lalo lang uminit ang ulo ni Senior AGM Guerzon sa kanyang natuklasan.
Matapos daw kasing mabisto ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga may fake NAIA airport pass na ginagamit sa pagpapalusot ng pasahero na may fake immigration stamp at sa libo-libong huli at turn over ng Immigration at MIAA enforcement sa NAIA-IACAT ‘e walang nangyari sa mga kaso dahil pinakakawalan lang daw ng task force o hindi nasasampahan ng kaso.
Aray ko!
Ano ang ibig sabihin n’yan!?
Hindi naiintindihan ng NAIA Anti-Human Trafficking Task Force ang trabaho nila o tinatamad sila?
Ako mismo ay saksi sa isang insidente na may nahuling human trafficker sa isang airport terminal na tinanggihan ng NAIA-IACAT na ma-turn over sa kanila dahil may sakit ang suspect at ipagagamot daw muna at baka sa kamay pa raw nila mamatay.
SONABAGAN!
‘E para ano pa at nandiyan kayo sa task force kung takot naman pala kayong gawin ang trabaho n’yo!
SOJ Leila de Lima, dapat na sigurong maimbentaryo ang mga kaso o turn over sa NAIA-IACAT para malaman natin kung mas marami ba ang pinakawalan o kinasuhan nila!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com