ANG angas ba ng amo ay angas din ng bodyguard?!
Huwag naman sana.
Alam nating minsan ay gumaganap na kontrabida si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa mga nilalabasan niyang pelikula o teleserye, pero hindi naman natin nakitaan ng kagaspangan ng ugali sa ilang beses natin siyang nakadaupang palad.
Pero ang napansin natin, may kakaiba talagang kilos, pag-uugali at galaw ng mata ang ilan sa kanyang mga bodyguard.
Sige sabihin natin na bilang bodyguard ay kailangan nilang maitaboy ang mga taong may masamang intensiyon sa kanilang amo.
Pero sapat ba ang rason na ‘yun para tutukan ng baril ni bodyguard Datsun Fulgar ang mamamahayag na si Rommel Ramos?!
Lalo na kung ang sitwasyon, supposedly, ay dialogue hinggil sa miscommunication.
Si Ramos, interim chairman ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ay h
umarap, in good faith, sa itinakdang dialogo kay VP Fernando.Pero dahil sa panghihimasok ng isang maepal na bodyguard, nauwi sa hindi magandang sitwasyon ang dialogo nang tutukan ng baril ni Fulgar si Ramos.
Hindi lamang tinutukan, inilampaso pa ng kung ano-anong masasamang salita si Ramos.
Sa madaling sabi, walang nahita si Ramos kundi panlalait mula sa kampo nina Fernando.
Ang ipinagtataka natin, hindi naman dulo ng kuli-kuli ang Bulacan pero parang hindi nakakita ng sibilisasyon ang bodyguard na ‘yan ni Fernando.
Kanino ba nanghihiram ng kapal ng mukha ang barbarong si Fulgar, Vice Gov. Fernando?!
Pakisagot na nga po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com