Friday , December 27 2024

Kanino nanghihiram ng kapal ng mukha ang bodyguard ni Bulacan VG Daniel Fernando?

00 Bulabugin jerry yap jsyANG angas ba ng amo ay angas din ng bodyguard?!

Huwag naman sana.

Alam nating minsan ay gumaganap na kontrabida si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa mga nilalabasan niyang pelikula o teleserye, pero hindi naman natin nakitaan ng kagaspangan ng ugali sa ilang beses natin siyang nakadaupang palad.

Pero ang napansin natin, may kakaiba talagang kilos, pag-uugali at galaw ng mata ang ilan sa kanyang mga bodyguard.

Sige sabihin natin na bilang bodyguard ay kailangan nilang maitaboy ang mga taong may masamang intensiyon sa kanilang amo.

Pero sapat ba ang rason na ‘yun para tutukan ng baril ni bodyguard Datsun Fulgar ang mamamahayag na si Rommel Ramos?!

Lalo na kung ang sitwasyon, supposedly, ay dialogue hinggil sa miscommunication.

Si Ramos, interim chairman ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ay humarap, in good faith, sa itinakdang dialogo kay VP Fernando.

Pero dahil sa panghihimasok ng isang maepal na bodyguard, nauwi sa hindi magandang sitwasyon ang dialogo nang tutukan ng baril ni Fulgar si Ramos.

Hindi lamang tinutukan, inilampaso pa ng kung ano-anong masasamang salita si Ramos.

Sa madaling sabi, walang nahita si Ramos kundi panlalait mula sa kampo nina Fernando.

Ang ipinagtataka natin, hindi naman dulo ng kuli-kuli ang Bulacan pero parang hindi nakakita ng sibilisasyon ang bodyguard na ‘yan ni Fernando.

Kanino ba nanghihiram ng kapal ng mukha ang barbarong si Fulgar, Vice Gov. Fernando?!

Pakisagot na nga po.

IO AT CA INTEL BUKING SA RAKET NA HUMAN TRAFFICKING SA NAIA T3

DALAWANG empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang nabuking at nasakote ng BI-TCEU (Travel Control Enforcement Unit) NAIA T-3 sa kanilang ‘pamamasahero’ or in legal term, human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Supposedly, itong sina Immigration Officer (IO) GERVACIO at Intel confidential agent (CA) KIMPO ay may tungkulin na sugpuin ang human trafficking sa pamamagitan ng kanilang mga opisyal na trabaho sa BI.

Pero baliktad ang nangyari. Sila mismo ang naging instrumento para ‘makalusot o mapalusot’ ang human traffickers.

Nabuko ito nang isang offloaded na pasahero ang dumaan ulit kay IO Gervacio.

At para hindi mabukayo, may isang kasabwat pa na taga-IT na hindi ini-encode ang offloaded passenger sa system.

Dumaan lang kunwari kay Gervacio pero hindi rin ini-encode sa system.

Para lubusang makalusot, kailangan ni IO Gervacio ng kasangga gaya nga ni Intel CA Kimpo.

‘E nabuking ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) dahil nang sitahin at tingnan ang passport ng pasahero, peke ang Immigration stamp.

O ‘di ba magaling sila?!

Hindi pa d’yan natatapos ang kahusayan ng tandem na Gervacio at Kimpo.

‘Yun na, pinapila pa na parang normal passenger ang kanilang mga palulusutin.

Pero pagdating sa immigration counter – automatic, go nang walang encoding. Para magmukhang synchronize, ite-check pa kunwari ni Kimpo ang passport saka dederetso na sa boarding gate.

‘Yun nga lang … nasilat sila ng TCEU!

Buking na buking ang matagal nang lihim at raket ng magkakontsabang sina Gervacio at Kimpo.

Akala kasi ng dalawang kamote, everyday happy sila sa kanilang masamang gawain.

Swak sila ngayon!

Si Gervacio ay ipinatapon agad sa Batuganding at si Kimpo naman ay goodbye (terminated) na sa bureau base sa order ni BI Comm. Fred Mison!

Again, binabati natin ang BI-TCEU T3 for a job well done!

HULA HULA WHO: SI CONGRESSMAN MAY SAKIT NA ‘LIMOT’ PAGKATAPOS LUMAMON

Hagalpakan sa katatawa ang ilan nating katoto diyan sa Mababang Kapulungan habang pinag-uusapan ang isang nakahihiyang insidente sa isang Representante.

Ayon sa mga urot sa House, lumamon ‘este kumain si Cong. kasama ang isa pang kinawatan ‘este’ kinatawan pero matapos ang masarap na kainan ‘e bigla na lang umalis without paying his bill.

Maging ‘yun kanyang dyolalays ay hindi binayaran ang chit ng bossing nila at bigla na lang sumunod sa kanilang amo palabas ng restaurant.

Dahil hindi naman kilala ng pobreng waiter na isa siyang mambabatas, agad n’yang hinanting ‘este hinanap, sa takot kasi na siya ang mag-abono ng nilamon ni Cong.

At sa pagtatanong ng waiter ay nakita niyang nasa loob ng session hall ang naturang mambabatas kaya ang ginawa ng waiter ay inabangan siya hanggang sa lumabas ng session hall.

Nang makita si Cong. ay lumapit at kinausap ng waiter ang mambabatas para singilin sa kanyang kinain at ininom.

Para hindi mapahiya si Cong. ay nagkunwaring inuutusan niya ang waiter at nagpapa-deliver pa ng food sa kanyang office.

Hehehe…comedy ka rin pala Mr. Congressman?!

Moral Lesson: Sa susunod bago tumayo matapos lumafang magbayad muna…kaawa-awa naman ang waiter gayong ang kinakain naman ng mambabatas ay naka-reimburse sa kanyang tanggapan.

Ang pangalan ni Mambabatas ay katunog ng pangalan ng isang cabinet secretary na hate na hate ng madlang pipol ngayon.

Kuha n’yo na ba?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *