Monday , December 23 2024

PNOY bukas sa Cha-cha (Kahit ayaw ng mga ‘boss’)

100114 pnoy malacanan

NANANATILING bukas si Pangulong Benigno Aquino III sa Charter Change (Chacha).

Sa kabila ito ng resulta ng survey ng Pulse Asia na anim sa bawat 10 Filipino ay ayaw sa Chacha at term extension ng Pangulong Aquino.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy pa ring aalamin ng Pangulong Aquino ang saloobin ng kanyang mga boss o taongbayan.

Ayon kay Coloma, hindi lamang sa pamamagitan ng survey kundi maraming paraan kung papaano makukuha ang pulso ng publiko.

Inihayag ni Coloma, ang mga halal na opisyal ay nakakukuha rin ng saloobin ng kanilang mga nasasakupan na dapat ding pakinggan.

PNOY MAGBITIW KA NA – CHURCH LEADERS

PINAGBIBITIW ng mga lider ng Simbahan mula sa Cebu si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa National Transformation Council na pinamumunuan ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, nawalan na ng “moral ascendancy” si Aquino para pamunuan ang bansa.

Hinimay pa ng cardinal ang mga paglabag aniya ng Pangulo sa Saligang Batas.

“Aquino has subverted and violated the Constitution by corrupting Congress, intimidating the Judiciary, taking over the Treasury, manipulating the automated voting system, and perverting the impeachment process.”

Sakaling bumaba si Aquino sa pwesto, isinusulong ng konseho na magtatag ng alternatibong gobyerno na pamumunuan ng “men and women of integrity.”

Ipinanawagan din nila ang paghahain ng kaso laban sa iba pang mambabatas na sangkot sa pork barrel scam, maging sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Bukod sa Catholic bishops, kasama rin sa National Transformation Council ang ilang civil society groups.

PALASYO NAPIKON

NAPIKON ang Palasyo sa panawagan ng grupong pinamumunuann ni Cebu Archbishop Ricardo Vidal na magbitiw na si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kabiguang tugunan ang umiiral na “spiritual and moral crisis” sa bansa.

Nanawagan kamakalawa ang National Transformation Council (NTC) na pinamumunuan ni Vidal kamakalawa na ipursige ang lahat ng legal na paraan upang mapilitan si Pangulong Aquino an bumaba sa puwesto sa lalong medaling panahon.

Nais din ng NTC na mag-organisa ng pamahalaan na papalit sa administrasyong Aquino na bubuuin ng mga taong may integridad at napatunayan na upang matiyak sa buong mundo na hindi mababakante ang liderato ng Filipinas kapag nawala na sa Palasyo si Aquino at kinasuhan at ipinakulong na ang lahat ng opisyal ng gobyernong sangkot sa katiwalian.

Nang tanungin si Coloma ng isang mamamahayag kung ano ang epekto sa Palasyo ng pahayag ng NTC, ang sagot niya, “We obviously differ from their assessment. We go about conducting the business of governance . We live in a pluralistic society. You should ask NTC that query.

Nananatili aniya ang komitment ng Pangulo sa pagsusulong ng reporma at makamit ang matatag at maunlad na ekonomiya na mararamdaman ng lahat.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *