Monday , November 18 2024

‘Pangungurakot’ ng mga Binay nakasusuka na

00 bullseye batuigas

NAKASUSUKA na ang naglabasang isyu ng ‘pangungurakot’ umano ng mga Binay sa Makati.

Akalain ninyong sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa “overpriced” umanong pagpapatayo ng Makati City Hall parking building noong Huwebes, ibinunyag ni Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza na ang ilang medical equipment na binili ng local government para sa Ospital ng Makati (OsMak) noong 2000 at 2001 ay overpriced din.

Sa tinukoy na mga tao, ang asawa ni Vice Pres. Jejomar Binay na si Elenita Binay ang nakaupong alkalde ng Makati, samantala si Mendoza ay auditor naman ng COA.

Ayon kay Mendoza, may binuong “special task force” noong 2001 na nakatuklas na ang medical equipment na binili para sa OsMak ay overpriced ng P61,249,492.72. Binili raw ito sa presyong P70,561,700 pero ang tunay na halaga ay P9,312,207.28

Kabilang sa mga overpriced medical equipment na lumalabas na pinagkakitaan nang milyon-milyong tongpats ang sterilizers na binili sa presyong P1,465,000 pero sa audit ng COA ay P16,000 lamang ang halaga. Sa bawa’t unit ay may overpriced itong P1,449,000.

Ang regular hospital beds ay nabili ng Makati sa presyong P148,000 pero sa COA audit ay P9,032.76 lang ang halaga nito. May P138,867.24 na overpriced ito sa bawa’t unit. Ang bilang ng hospital beds na binili ng Makati ay 172 na umabot sa halagang P23,902,000.

Natuklasan din umano nina Mendoza na ang brand name na “Sicoa” na gamit ng supplier na kilala sa pangalang “Apollo” ay gawa-gawa lang, para palabasin na ito lang ang tanging supplier ng naturang brand kaya mataas ang presyo at maiwasan ang public bidding.

Nauna rito ang pagbubunyag sa Senado na noong alkalde si VP Binay ay tumatanggap ng 13 porsyentong kickback sa bawa’t proyekto sa Makati; nagbibigay siya ng P200,000 allowance kada buwan sa Bids and Awards Committee para lutuin ang bidding; at iba pa.

Kung noon ay sinasabi ng mga Binay na paninira ang mga akusasyon dahil tatakbo ang matandang Binay para pangulo sa 2016, mga mare at pare ko, ano ang masasabi nila ngayon sa pagbubunyag ng COA sa natuklasang garapalang pag-o-overprice raw sa pagbili ng medical equipment para sa OsMak? Hindi ba ito nagpapakita na may katiwaliang naganap sa Makati?

Manmanan!

***

IBINUNYAG din ni Mendoza na may pumasok sa kanyang bahay, inilaglag ang mga cabinet at ikinalat ang lahat ng papel at dokumento sa sahig.

Ayaw daw niyang pagbintangan ang kahit sino, pero naganap daw ito sa panahong tumetestigo siya sa Sandiganbayan laban kay Elenita kaugnay ng overpriced medical equipment.

Bago siya tumestigo sa Senado ay may tumawag at nagbanta pa raw kay Mendoza.

Ganyan talaga sa maraming kaso kapag mabigat ang testimonya ng isang testigo, mga mare at pare ko, kaya may pagkakataon na hindi sila nakararating sa husgado. Dapat mag-ingat.

Tandaan!

***

PUNA: “Akala ko maginoo mga Binay. Bakit sila takot sa Senado kung walang kasalanan?”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

 

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *