INASINTA na parang ibon ang isang lalaki na napagkamalang miyembro ng Akyat-Bahay gang habang naglalakad sa bubong ng isang bahay sa Pandacan, Maynila, iniulat kahapon.
Namatay sa ibabaw ng bubong ng bahay sa 1131 Guanzon Compound, Teodoro San Luis St., Pandacan, Maynila, sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib si Renato Robles, 52, miyembro ng Sputnik gang, ng 2056 Lozada St., Pandacan, Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo,ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:15 a.m., naganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
Nasa bubong si Robles, nang barilin ng hindi nakikilalang lalaki.
Dinala ang bangkay sa Arch Michael funeral para sa awtopsiya.
(LEONARD BASILIO)