Friday , December 27 2024

Hong Kong’s civil ‘civil disobedience’ inspirado sa People Power ng mga Pinoy

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMING Pinoy na kasalukuyang nasa Hong Kong ang nagsasabi na ang ginagawang “rally for democracy” ng mga local residents doon ay copy-cat ‘este’ inspirado sa ating EDSA People Power.

Pati nga ang yellow ribbon ay ginamit rin nila sa kanilang mga rally.

Hindi na raw makatiis ang local residents sa bahaging iyon ng China dahil mas priority pa umano ng kanilang gobyerno ang mga turista kaysa kapakanan nila.

Kung hindi tayo nagkakamali, nais ng local residents na sila ang pumili o maghalal ng kanilang Administrator na kakatawan sa kanila sa China’s national government dahil ang Hong Kong ay isa sa tinaguriang Special Administrative Region.

‘Yan ang hindi naman papayagan ng China ‘di ho ba?

Ang sistema kasi ngayon, ang national government ng People’s Republic of China (PRC) ang nagpapadala ng listahan ng administrator na kanilang iboboto sa Hong Kong.

Gustong tiyakin ng gobyerno ng China na pinamamahalaan ng Communist Party na naipatutupad ng administrator ang kanilang itinatakdang mga patakaran.

Sa puntong ito, dapat matalinong resolbahin ng China ang isyung ito. Hindi lingid sa atin na ang Hong Kong ay dating kolonya ng Britanya. At ilang taon pa lamang nang mapagtagumpayan ng China na bawiin ito sa kanila.

Nagkaroon pa ng tsismis noon na pababagsakin ng Britanya ang turismo sa Hong Kong dahil naniniwala sila na malaking kawalan sa ekonomiya ng China kapag nangyari ito.

Pero nabigo ang Britanya dahil ang ginawa ng China doon ipinadala sa Hong Kong ang mga manggagawa/empleyadong Chinese na nagna-nais magbakasyon.

At ‘yan ang bumubuhay sa kanilang ekonomiya ngayon, ang libo-libong local Chinese tourist na dumaragsa araw-araw sa Hong Kong.

Sa kasalukuyan, pinakamalaking bilang ng mga turista sa Hong Kong at Macau ay mula sa mainland China.

At dito nga nag-ugat ang sentimyento ng Hong Kong local residents. Pakiramdam nila, pinagaganda at inaayos ang Hong Kong hindi para sa mga local Chinese kundi para sa Turismo.

Masyadong tumaas ang standard of living kaya maraming Hong Kong local residents ang trabaho nang trabaho pero hindi makaagapay sa taas ng standard of living.

Kumbaga, dahil sa mabilis tumaas ang halaga ng lahat ng commodities sa Hong Kong pati silang local residents ay namumuhay na parang mga turista.

Ganito rin ang karaingan ng mga Chinese sa Macau, kaya hindi imposibleng sumunod sila sa ginagawang ito ng mga taga-Hong Kong.

Pakiramdam din ng local residents, one-way ang relasyon nila sa gobyerno ng PRC.

Tagasunod lang sila sa patakarang ibinababa ng gobyerno at hindi man lang pinakikinggan ang kanilang mga hinaing.

Kaya para sa local residents, kailangang magmula sa hanay nila ang Administrator para katawanin sila sa national government ng PRC.

Bilib tayo sa ipinakikitang paninindigan at disiplina ng Hong Kong local residents.

Naglulunsad sila ngayon ng isang civil disobedience sa isang napakasibilisadong paraan.

Nililinis nila ang kanilang mga kalat, sila mismo ang nagre-recyle ng kanilang mga basura, nagtutulungan sa pamamahagi ng pagkain at iba pang pangangailangan sa paglulunsad ng rally.

Hindi sila natinag nang tangkain silang buwagin ng mga pulis. Ang tear gas at water canon ay sinalag nila ng payong para panatilihin ang kanilang hanay.

Hinihintay ng buong mundo ngayon kung ano ang kahihinatnan ng ‘rally for democracy’ ng Hong Kong local residents.

Paano ito tatanggapin ng Chinese Communist Party?!

Pero sa ipinakikitang hinahon ng magkabilang panig, palagay natin ay mayroong kahihinatnan ang kanilang mga aksyon, huwag lamang papasukin ng mga mapagbuyong pwersa.

Aabangan natin ang resulta nito.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *