Thursday , December 26 2024

Hong Kong’s civil ‘civil disobedience’ inspirado sa People Power ng mga Pinoy

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMING Pinoy na kasalukuyang nasa Hong Kong ang nagsasabi na ang ginagawang “rally for democracy” ng mga local residents doon ay copy-cat ‘este’ inspirado sa ating EDSA People Power.

Pati nga ang yellow ribbon ay ginamit rin nila sa kanilang mga rally.

Hindi na raw makatiis ang local residents sa bahaging iyon ng China dahil mas priority pa umano ng kanilang gobyerno ang mga turista kaysa kapakanan nila.

Kung hindi tayo nagkakamali, nais ng local residents na sila ang pumili o maghalal ng kanilang Administrator na kakatawan sa kanila sa China’s national government dahil ang Hong Kong ay isa sa tinaguriang Special Administrative Region.

‘Yan ang hindi naman papayagan ng China ‘di ho ba?

Ang sistema kasi ngayon, ang national government ng People’s Republic of China (PRC) ang nagpapadala ng listahan ng administrator na kanilang iboboto sa Hong Kong.

Gustong tiyakin ng gobyerno ng China na pinamamahalaan ng Communist Party na naipatutupad ng administrator ang kanilang itinatakdang mga patakaran.

Sa puntong ito, dapat matalinong resolbahin ng China ang isyung ito. Hindi lingid sa atin na ang Hong Kong ay dating kolonya ng Britanya. At ilang taon pa lamang nang mapagtagumpayan ng China na bawiin ito sa kanila.

Nagkaroon pa ng tsismis noon na pababagsakin ng Britanya ang turismo sa Hong Kong dahil naniniwala sila na malaking kawalan sa ekonomiya ng China kapag nangyari ito.

Pero nabigo ang Britanya dahil ang ginawa ng China doon ipinadala sa Hong Kong ang mga manggagawa/empleyadong Chinese na nagna-nais magbakasyon.

At ‘yan ang bumubuhay sa kanilang ekonomiya ngayon, ang libo-libong local Chinese tourist na dumaragsa araw-araw sa Hong Kong.

Sa kasalukuyan, pinakamalaking bilang ng mga turista sa Hong Kong at Macau ay mula sa mainland China.

At dito nga nag-ugat ang sentimyento ng Hong Kong local residents. Pakiramdam nila, pinagaganda at inaayos ang Hong Kong hindi para sa mga local Chinese kundi para sa Turismo.

Masyadong tumaas ang standard of living kaya maraming Hong Kong local residents ang trabaho nang trabaho pero hindi makaagapay sa taas ng standard of living.

Kumbaga, dahil sa mabilis tumaas ang halaga ng lahat ng commodities sa Hong Kong pati silang local residents ay namumuhay na parang mga turista.

Ganito rin ang karaingan ng mga Chinese sa Macau, kaya hindi imposibleng sumunod sila sa ginagawang ito ng mga taga-Hong Kong.

Pakiramdam din ng local residents, one-way ang relasyon nila sa gobyerno ng PRC.

Tagasunod lang sila sa patakarang ibinababa ng gobyerno at hindi man lang pinakikinggan ang kanilang mga hinaing.

Kaya para sa local residents, kailangang magmula sa hanay nila ang Administrator para katawanin sila sa national government ng PRC.

Bilib tayo sa ipinakikitang paninindigan at disiplina ng Hong Kong local residents.

Naglulunsad sila ngayon ng isang civil disobedience sa isang napakasibilisadong paraan.

Nililinis nila ang kanilang mga kalat, sila mismo ang nagre-recyle ng kanilang mga basura, nagtutulungan sa pamamahagi ng pagkain at iba pang pangangailangan sa paglulunsad ng rally.

Hindi sila natinag nang tangkain silang buwagin ng mga pulis. Ang tear gas at water canon ay sinalag nila ng payong para panatilihin ang kanilang hanay.

Hinihintay ng buong mundo ngayon kung ano ang kahihinatnan ng ‘rally for democracy’ ng Hong Kong local residents.

Paano ito tatanggapin ng Chinese Communist Party?!

Pero sa ipinakikitang hinahon ng magkabilang panig, palagay natin ay mayroong kahihinatnan ang kanilang mga aksyon, huwag lamang papasukin ng mga mapagbuyong pwersa.

Aabangan natin ang resulta nito.

GOMA SAWSAW-SUKA SA ISYU NG GABRIELA VS “THE NAKED TRUTH” NI COCO MARTIN

ALL’S WELL that ends well na nga sana ang isyu ng party-list Gabriela vs “The Naked Truth” ni Coco Martin.

Nag-sorry na si Ben Chan sa fashion show na ginawa nilang mukhang aso ang isang female foreign model na may tali sa leeg at hila-hila ni Coco Martin.

Sobra pa nga naman sa pagiging male chauvinist pig ang naging imahe ni Coco sa nasabing fashion show.

‘E hindi naman ganoon ang projection sa kanya sa mga teleseryeng kanyang pinagbibidahan.

Malaking kasiraan nga naman iyon sa kanyang imahe.

Kaya naman nagpatawag din ng press conference ang kanyang manager.

Ayos na nga sana ang lahat, ‘e biglang umepal si Richard ‘Goma’ Gomez.

Siniraan pa ang Gabriela na umeepal lang dahil malapit na ang eleksyon.

Ay sus naman!

Ikaw ang mali ang epal, pareng Goma!

Parang hindi mo naman kilala ang Gabriela. Marami nang napatunayan ‘yan lalo na kung isyu ng kababaihan ang pag-uusapan.

At kahit saan punto natin tingnan, hindi magandang imahe na ang tao (babae o lalaki man) ay tinatalian sa leeg saka pararampahin sa fashion show?!

Maitanong lang natin Mr. Goma, si Congresswoman Lucy Torres ba ‘e may napatunayan na sa isyu ng mga kababaihan?!

Hinay-hinay lang Goma, nasisilat ka tuloy n’yan ‘e.

KAILAN IIMBESTIGAHAN ANG MAG-ASAWANG CORRES? (PAGING: SOJ LEILA DE LIMA)

Maraming empleyado sa Bureau of Immigration (BI) main office ang nagsasabi na balewala raw ang ginagawa nating pagbatikos sa mag-asawang Albert & Janice Corres matapos nating i-expose’ ang mga nangyayaring milagro diyan sa BI-Angeles Field Office.

Sa dami na rin ng ating ibinulgar, hanggang ngayon ay dedma at ni wala man lang daw kahit isang imbestigasyon na naganap. Ito ngayon ang nagsilbing takot at alinlangan sa mga IO at iba pang empleyado ng BI-Angeles para ibulgar pa ang kanilang nalalaman tungkol sa dalawang aswang ‘este’ mag-asawang ito.

May ugali raw kasi si Albert Corex ‘este’ Corres na direktang tumatawag sa isang opisyal ng bureau kapag nabubulilyaso ang kanyang transaksyon partikular diyan sa DMIA.

Hindi ba’t siya rin ang nagpahamak kay Immigration Supervisor Karen Gandamra at IO Usman Abinal matapos i-offload ng dalawa ang mga pasaherong si Corex ‘este’ Corres?!

Direktang tumawag daw si Albert Corres sa isang BI official gamit ang kanyang cellphone at kung ano-anong kwentong kutsero ang kanyang isinumbong na naging dahilan para makasuhan ang dalawang nabanggit na empleyado.

Ganyan ang style bulok ni Albert Corex este’ Corres kaya ganyan na lang ang takot sa kanya ngayon ng mga naka-duty diyan sa DMIA kapag nalalaman nila na may pasahero na naman ang kumag!

Knowing naman lahat sa Immigration, na paboritong call-a-friend si Corres kapag gusto nilang magbakasyon sa Fontana casino & resort.

Since mukhang wala naman tayong aasahang reaksyon, bakit hindi natin subukan na tawagan ang atensyon ni Madam SOJ Leila Delima at baka sakaling maaksyonan na ang mga kaaliwaswasan ni Albert Corres diyan sa Angeles City.

Hon. SOJ De Lima, baka naman po pwedeng pakiimbestigahan ang mga pinaggagagawa ng mag-asawa diyan sa BI-Angeles and DMIA?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *