WALA umanong diyaryo-diyaryo, radio at TV para sa may-ari ng BUENDIA LAPU-LAPU SPA at RICH MAN KTV na sina alyas Miles Tomboy at Zaldy Inuyat.
Ang mahalaga umano ay kompleto sila sa entrega ng intelihensiya sa tanggapan ni Colonel Melchor ‘Batman’ Reyes, ang mabunying hepe ng Pasay City PNP.
Pero teka muna mga pare ko, mukhang nakaugalian na ng dalawang kupal ang pagne-name drop ng sino mang opisyal ng pulisya para huwag salakayin ang kanilang mga putahan.
A brief history lamang po ng dalawang antigong putahang ito diyan sa Pasay City. Ang BUENDIA LAPU-LAPU SPA ang ipinasarang Magellan Sauna Bath some few years back na mina-manage noon ni MILES “BU SHA” TOMBOY.
Mismong si former Mayor Peewee Trinidad ang naglabas ng closure order laban sa nasabing putahan.
Nakagawa ng remedyo si Miles “BU SHA” Tomboy sa pamamagitan ng pagpapalit ng business name at paglalagay ng mga dummy owners hence, BUENDIA LAPU-LAPU SPA was born.
Bagong business name pero putahan pa rin ang opisyo.
Ganoon din ang halos kaso ng RICHMAN KTV. Dati itong MONRIZ KTV na pag-aari ng isang alyas Raymond Pogi. Sinalakay ng pulisya at magpahanggang ngayon ay nakakulong pa ang isang Mamasan sa City Jail dahil walang piyansa ang human and child trafficking.
Binili ito ni ZALDY Inuyat mula kay Raymond Pogi who by the way ay pinsang buo naman ni MILES “bu sha” TOMBOY ng BUENDIA LAPU-LAPU SPA.
From then on, tuloy-tuloy na ang negosyong putahan ng RICHMAN KTV ni ZALDY INUYAT.
Ang masakit, lahat ng Chief of Police (COP) ng Pasay City PNP ay ibinabalandrang ‘timbrado’ raw ng mga establisimiyentong ito.
Mayabang pa si Zaldy sa pagsasabing ang pinakahuling raid sa kanyang establisimiyento ay OPLAN PAGPAPAKILALA lamang umano ng bagong upong si Colonel Reyes.
Mahigit isang daang libong piso (P100,000.00) umano ang isinuka niya (ZALDY) sa grupo ng Special Operations Unit (SOU) ni Colonel Reyes. Kinasuhan lamang ng ‘working witout necessary licenses’ ang mga nahuli sa RICHMAN KTV at fully operational naman po ang nasabing putahan after the raid.
What a fact? (FUCK) Ganoon ba Mr. ZALDY INUYAT?
Baka mahulog sa kinauupuang silya si Col. Reyes kapag nabasa na ng mabunying koronel ang ating kolum.
Ano nga ba ang dapat gawin Kernel Reyes sa mga ganitong matatabil na ilegalista sa Pasay City?
Hintayin natin ang galit este ang aksyong gagawin niColonel Melchor Reyes laban sa mga antigong putahang ito nina MILES TOMBOY at ZALDY INUYAT!
Kapag hindi ito sinalakay ng mga pulis ni Reyes, we tend to believe na totoo ang mga ipinagyayabang ng dalawang kupal na bugaw!?
Speaking of putahan sa Pasay, idagdag na po natin sa listahang aasintahin ni Colonel Reyes, kung kaya lang po kernel (wag pilitin hehehe) ang CLUB CZAR na umano’y pinuproteksyonan ni Nels YATBULS at pinamamahalaan nina MANNY BUGAW at MARINO. Andiyan lamang po ‘yan Kernel Reyes sa Service Road ng Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Vito Cruz.
Ang BACHELOR’S MANSION na pinamamahalaan naman ng isang konsehal sa Pasay City, andiyan din po ‘yan sa Service Road ng Roxas Boulevard. Isa itong 1-STOP SHOP na putahan. May club ito, KTVat SPAKOL.
Sa Arnaiz Avenue naman (formerly Libertad) ay naririyan Kernel Reyes sir, ang SOLUTION DISCO, isang gay bar na pag-aari ni MR. SONNY BASCON. Hubo’t hubad naman na mga macho dancers ang nagpe-perform sa center stage ng nasabing establisimiyento.
Sa ‘di kalayuan ang VOCANO DISCO sa TAFT AVENUE na pag-aari ng isang Taiwanese national na si JOE CHANG at pinoproteksyonan naman ng isang Ar PAGLABAN.
Ang isang hindi katanggap-tanggap dito Kernel Reyes ay nasa harap mismo ng PCP 4 ng Pasay PNP ang club cum putahang ito bosing.
Last but not the least ay ang LION 777 ni TONY SONCAL sa EDSA-Philtranco. Mga pulis naman ng Pasay sa PCP 7 ang patong dito.
Suma total Kernel Reyes, naghihintay ang sambayanang Pasayeños sa milagrong gagawin ninyo sa pagsakote sa lahat ng katarantaduhang ito.
We respect you Colonel Reyes at napakataas ng expectation ng pitak na ito sa inyong integridad.
Andito lamang po ang TARGET ON AIR at mag-aantabay sa inyong mga hakbangin.
Go ahead Colonel Reyes…MAKE MY DAY!
MABUHAY KA!
BOTCHA KING NG METRO MANILA,
TAGA-BULACAN LANG!
Isang HIGHLY CONFIDENTIAL information ang ipinarating sa inyong lingkod ng ating mga sources. Patungkol ito sa nalalapit na holidays o Kapaskuhan na nakatakdang samantalahin ng ilang walanghiyang indibidwal na ang hangad ay kumita nang limpak-limpak na kuwarta sa masamang kaparaanan.
Patungkol ito sa isang sindikato ng “BOTCHA” o yaong mga karne na mga double dead na baboy.
Kinilala ng ating sources ang tinaguriang BOTCHA KINGng Metro Manila na si alyas GABBY YU, nagmamay-ari ng isang piggery sa Barangay Gaya-gaya. San Jose Del Monte, Bulacan.
Walanghiya at tuso ang Tsekwang ito na may ilang kaso na ng pananakit sa kanyang mga tauhan.
Dahil tuso nga, under paid ang lahat ng mga tauhan na ang karamihan ay mga menor de edad na kabataang lalaki na mistulang alipin ng hindot na Intsik.
Kumbaga sa cancer, talamak ang pagiging walanghiya ng taong ‘yan.
Si Gabby Yu ang itinuturing na biggest supplier ng mga BOTCHA sa buong Metro Manila partikular na sa Cloverleaf Market diyan sa Balintawak, Quezon City, Commonwealth Market sa Fairview, Bagong Silang sa Caloocan, Maypajo at Sangadaan sa Caloocan City pa rin, Pasay Market sa Libertad, Pasay City at sa iba pang merkado dito sa Kamaynilaan.
Hindi lamang pagpapalusot ng mga karneng baboy na ‘BOTCHA’sa mga palengke ang raketa nitong si GABBYkundi ang paggawa ng mga processed meat na gamit ay pawang karne ng mga double dead na baboy na ibinabagsak sa mga ‘consignees’ nito sa ilang groceries at supermarket.
Malaking perhuwisyo sa kalusugan ng consumers ang ilegal na negosyong ito ng BOTCHA KING dahil puwedeng makalason sa mga makabibili at makakakain ng double dead na karne.
Nagkakahalaga ng singkuwenta pesos (P50) kada kilo ang karne ng double dead na baboy kung direktang pi-pick-upin sa farm ng kupal na Tsekwa diyan sa Barangay, SJDM, Bulacan.
Maraming mga ahensiya na pamahalaan ang tiyak na mag-uunahang habulin ang hindot na si Gabby.
May kasunod…Abangan!
Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong