ni Pilar Mateo
MATAPOS na lumipas ang ilang buwan sa paghihiwalay nila, ngayon lang naibulalas ng naging leading lady ni Ejay Falcon sa Dugong Buhay na naging sila pala ni Yam Concepcion.
Although marami naman ang nakahalata noon, lalo na sa panig ng presa na they were an item, walang umamin sa kanila at pawang denial kabuntot ang mga katagang ‘only friends’ mula sa isa’t isa.
Ngayon Yam is saying na ini-request naman ni Ejay for them to be quiet about it.
Ang hindi lang daw maintindihan ni Yam, bigla na lang siyang iniwan sa ere ni Ejay. At ni hindi na niya ito nakausap.
Itinuturo pa nga na ang kasama nila sa palabas na si Sunshine Cruz ang dahilan na pinabulaanan naman ng aktres.
Ang sinasabi ni Yam ngayon, she’s learned her lessons in loving at wala naman daw siyang regret.
At kung may bagong pag-ibig na kakatok sa kanyang pintuan, she knows better!