Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet 16 binuntis may-asawang kelot dedbol sa 2 utol

LEGAZPI CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa kanilang kaibigan na nakabuntis sa dalagitang kapatid ng mga salarin.

Kinilala ang biktimang si Gener Alamo, 43, may asawa, residente ng Bgry. 1, Ems Barrio, sa Lungsod ng Legazpi, at empleyado ng isang telecommunications company.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkayayaang mag-inoman ang biktima at ang mga suspek na sina Bonifacio Llansos, Jr., ng Brgy. Salvacion, bayan ng Jovellar; at Wilfredo Llansos ng Brgy. Talunto, bayan ng Camalig, sa bahay ng tiyahin ng mga salarin sa Brgy, Binitayan, bayan ng Daraga.

Nang maubos ang biniling alak, nagpaalam na para umuwi ang biktima ngunit pinigilan siya ng mga suspek at inusisa tungkol sa relasyon sa 16-anyos kapatid ng mga salarin.

Sa kalasingan, umamin ang biktima na siya nga ang nakabuntis sa dalagita. Bunsod nito, uminit ang ulo ng mga suspek at pinagtulungang saksakin ang biktima.

Pagkaraan ay itinapon ng mga suspek ang bangkay ng biktima sa isang ilog. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …