Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, desmayado sa Bench

ni Pilar Mateo

100314 robin padilla 2

ROBIN Padilla’s take sa Bench Naked Truth Denim and Underwear fashion show na rumampa si Coco Martin na may hilang babaeng tila nakakadena. Emosyonal ang host ng Talentadong Pinoy sa tumambad sa kanyang mga mata.

“Ang ganap na ito ay hindi katanggap-tanggap. Kung sinuman ang nakaisip nito ay kailangang magpaliwanag sa usapin ng karapatang pantao, lalo na ang karapatan ng kababaihan. Hindi ginagamit ang pangalan ng sining sa pagpapakita ng pang-aabuso at pang-aalipin, ang kalayaan sa pagsasalarawan sa pamamagitan ng talino ay ginagamit sa pangmumulat tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao, ano man ang kanilang kasarian.

“Isang napakalaking isyu ito ng deskriminasyon sa panahon natin ngayon na ang ibang mga bansa ay nakikipaglaban para sa karapatan ng mga hayop na mabigyan ng kalayaan sa tanikala habang tayo namang mga Filipino ay literal na itinali, inalipin, at niyurakan ang isang Filipina sa harap ng pampublikong lugar. Bayan ko, saan po ba talaga natin gusto mapunta?…Mahiya naman po tayo sa mga nanay natin. Babae ang ina natin. Babae ang nagluwal sa atin sa mundong ito.”

(Nagalabas na ng kanilang official statement ang Bench kasabay ng paghingi ng kanilang apology kasabay ang pangakong mas magiging responsable na sa mga darating pa nilang palabas.)

2014 MTV VJ HUNT FINALS NIGHT, Sa OCT. 3 Na!

FOUR ladies and four gentlemen are vying for the next MTV VJ as they finally meet again at the 2014 MTV VJ Hunt Finals Night this coming Friday, October 3, sa Le Pavilion (Pasay City) at 7:30 p.m..

Nasaksihan na ang ibang eksena ng apat na pares na kinabibilangan nina “Pretty Sweetheart” Aryanna Epperson, “The Hunk DJ” Chris Schneider, “The Boy Next Door” Anton Mercado, “The Sporty Girl” Erika Westly, “Mister Charm” Mickey Regala, “The Beauty Queen” Carla Lizardo, “The Musician” Kito Romualdez, at “The Bubbly Chick” Sarah Edwards.

Hindi makapaniwala ang walong contenders sa mga sinalangan nilang challenges sa nasabing search. Na buong akala nila eh may sasabihin lang sila sa harap ng kamera.

Nasorpresa ang marami sa kanila na umabot sa sangkaterbang takes ang pagsasabi ng minemorya nilang tatlong talata na sasabihin on cam.

Halos lahat sila ay tila sa showbiz din ang landas na pupuntahan. At malalaman na ‘yan sa kanilang labanan soon.

Magiging part of the finals night sina Kyla, Erik Santos, Sponge Cola, Shehyee, Kenjohns & the Rockstars, Matteo Guidicelli, at Sarah Geronimo.

Hatid ito ng Globe Prepaid GoSakto, Mentos, C2 and JB Music and Sports.

Sino sa kanila ang tatalbog sa mga present VJs natin in the homefront?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …