Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reporma sa VFP hiniling na kaagad ipatupad ni Gazmin

091714 veteran ph dnd gazmin

MULING nanawagan ang mga beterano at kanilang mga kamag-anak kay Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire T. Gazmin sa mabilisang implementasyon ng bagong constitution and by-laws (CBL) ng Veterans Federation of the Philippines (VFP).

Naunang sumulat si Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBC) National Commander Rafael Evangelista kay Sec. Gazmin upang ipanukala ang pagtatatag ng Management Committee para mabilis na ipatupad ang bagong CBL ng VFP na magsasaayos sa sistema at magrereporma sa pamunuan nito.

Hiniling din ni Evangelista ang pagtatalaga ng Acting President ng VFP na magpapatupad ng bagong CBL dahil nagbabantay ngayon ang mga beterano at kanilang mga pamilya sa “political will” ni Sec. Gazmin upang magkaroon ng pagbabago sa pederasyong itinatag sa bisa ng Republic Act No. 2640 na nasa kontrol at superbisyon ng kalihim ng DND.

Ayon naman sa anak ng beteranong si Severino L. Borlongan na si Irma B. Tamayo, panahon na para magkaroon ng reporma sa VFP sa pamamagitan ng bagong CBL para maiangat ang interes ng lahat ng beterano gayondin ang kanilang mga pamilya at hindi ang interes lamang ng iilan.

“Matagal na naming nababalitaan ang mga anomalya sa pamunuan ng VFP kaya sila ang pangunahing tumututol sa bagong CBL,” ani Tamayo. “Dalawang taon ang ginugol at nagkaroon ng mga konsultasyon sa lahat ng grupo ng mga beterano kasama ang VFP kaya kaduda-duda ang motibo nila.”

Hiniling din ni Tamayo ang mabilisang implementasyon sa bagong CBL na pakikinabangan ng lahat ng beterano sa buong bansa at hindi ng iilan na mahigit 30 taon na ginawang ‘kaharian’ ang VFP kaya tutol sa reporma ni Sec. Gazmin na magpapairal ng transparency, accountability at iaangat ang prinsipyo ng check and balance sa pederasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …