Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAO Chief Acosta, tagapagtanggol ng mga inaapi!

081814 persida acosta

00 Alam mo na NonieMULI naming nakita ang kasipagan ng hepe ng PAO (Public Attorney’s Office) na si Atty. Persida Acosta. Nalaman namin na patuloy pa rin ang paghahanap niya ng katarungan sa maraming kababayan natin.

Ukol sa MV Princess of the Stars at kay PMA Cadet Aldrin Cudia ito ang na-ging pahayag ni Atty. Acosta.

“Busy pa rin kami sa PAO, yung sa kaso ng MV Princess of the Stars na lumubog, tuloy-tuloy po ang hearing sa Cebu. So next month, October 21 to 22…Sa Manila naman, naka-37 witnesses na kaming nai-present.

“We have to present around 75 witnesses sa Manila, doon naman sa Cebu, around 50 witnesses. Sabi ko nga, hindi ko tantanan ‘yung case, tatapusin ko ito para magkaroon ng hustisya ‘yung mga namatay, ‘yung nawala na hanggang ngayon ay hindi nakikita,” saad niya.

“Kay Cadet Cudia, sana pabilisin ng ating Supreme Court ‘yung decision at maa-ring sa tulong na rin ninyo, kung inyong pakikiusapan sa pa-mamagitan ng inyong mga pa-nulat na sana ay tapusin na ng Supreme Court ang kaso ng taga-PMA na hindi naka-gra-duate dahil nahuli ng dalawang minuto lamang. At dahil sa da-lawang minuto, nagpaliwag siya at ang sinasabi ay sinu-ngaling na siya.

“Dahil sa dalawang minuto lang ay nasira ang buhay niya, pero pilit nating binubuong muli,” pahayag pa ng PAO chief.

Bukod sa dalawang kasong ito, marami pa si-yang naibalitang kaso na tinututukan nila para makakuha ng hustisya sa mga biktima.

Sa pakikipagtsikahan niya sa press, napag-usa-pan din na dahil sa pagi-ging matapang at ta-pat sa tungkulin ni Atty. Acosta ay marami ang humihikayat sa kanya para kumandidatong senador. Kahit ang mga member ng entertainment media ay marami ang gustong su-mabak siya sa susunod na senatorial race, kabilang na kami roon dahil nakita namin ang dedication at sipag ng PAO chief.

Pero hindi pa raw siya nakapagdedesisyon talaga dahil naghihintay pa siya ng sign.

Ukol naman sa planong pagsasapelikula ng buhay niya, ayaw niyang banggitin kung sino ang nakikipag-negotiate sa kanya.

Suggestion sa kanya ng marami ay sina Nora Aunor, Bea Alonzo, Lorna Tolentino, Alice Dixson, at Eula Valdes ang gumanap sa kanyang katauhan. Pero ayon Atty. Acosta, kahit sino raw ay walang problema sa kanya.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …