Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pampelikulang pagtatapos ng serye nina Bea at Paulo, matutunghayan na sa Oktubre 10

091614 bea alonzo paulo avelino

00 SHOWBIZ ms mNAKABIBITIN ang mga pangyayar sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon dahil sa lalong gumagandang istorya nito. Subalit nakalulungkot malamang magtatapos na pala ito.

Ayon sa Dreamscape Entertainment Television, mala-pelikula ang inihandang pagtatapos ng top-rating primetime drama tampok ang sunod-sunod na malalaking pasabog at rebelasyon sa buhay ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino. Mapapanood ang finale episode sa Oktubre 10 (Biyernes).

Simula nang umere ito noong Hunyo 2014, sinubaybayan na ng mga manonood ang pinag-ugnay na kuwentong-buhay nina Rose at Emmanuelle (kapwa ginagampanan ni Bea), ang dalawang magkaibang babae na pinag-isa ng kanilang laban para sa katarungan.

Dahil sa makapigil-hiningang mga pangyayari sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, gabi-gabi ay namamayagpag ito sa national TV ratings dahil nga sa kakaibang movie experience na dulot ng kuwento nito, husay ng buong cast, at sa nakakikilig na chemistry nina Bea at Paulo bilang mag-asawang Rose at Patrick.

Sa mga huling gabi ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, malalagay sa matinding panganib ang buhay ni Rose ngayong unti-unti nang nadidiskubre ng lahat na siya ay nagpapanggap lamang bilang si Emmanuelle.

Magtatagumpay ba si Rose na makuha ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ni Emmanuelle at ng kanyang ama?

Makababalik pa ba sila ni Patrick sa rati nilang buhay kasama ang kanilang mga pamilya?

Sa ilalim ng direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan, tampok din sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang powerhouse cast na binubuo nina Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Magundayao, at Michelle Vito. Kasama rito ang natatanging pagganap ng mga beteranong artista na sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Susan Roces.

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.

Kaya huwag palampasin ang pinakamalalaki at pinaka-pinananabikang pasabog sa pagtatapos ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV,Twitter.com/SBPAK_TV, atInstagram.com/DreamscapepH.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …