VISIBLE ngayon sa TV ang winner ng Misters of the Philippines 2014 na si Neil Perez. Pagkatapos lumabas sa isang serye sa GMA 7, nakita naman namin s’ya kahapon sa It’s Showtime.
Pero bago ito’y kinuha muna s’ya gayundin ang iba pang winners sa Misters of the Philippines 2014 ng Unisilver Time bilang pinakabagong Timebassador.
Super happy nga si Neil at ang apat pang kasamang sina Joseph Doruelo (Mr. Global Philippines), Adam Davies (Mr. Model International Philippines, atJudah Cohen (Mr Tourism International).
Sa contract signing present ang very hardworking at mabait na Vice President ng Unisilver Time na si Mr. William Ong Co, Ms . Yvette Padua, at ang Head Marketing nito na si Mr. Gian Carlo Guevarra.
Bale ang Misters of The Philippines winners ay dagdag sa iba pang Unisilver Timebassadors na sina Sam Milby, Karylle, Ejay Falcon, Derek Monasterio, Barbie Forteza, Julianne San Jose, Teejay Marquez, Kate Lapuz, Joshua Joffe , Joshua Dionisio, Ritz Asul, Sponge Cola, Mart Escudero, Eula Caballero, UPGRADE atbp..
Sa kabilang banda naghahanda na si Neil para sa laban niya sa Korea .
Limang taon ang kontrata ng Misters of the Philippines sa Unisilver Time.
ni Maricris Valdez Nicasio