ni Vir Gonzales
MAHAL talaga ni Marian Rivera ang nanay-nanayan niyang siRita Avila. Noon kasing book signing nito sa SMX MOA, dumalo si Marian.
Dinumog ng mga tao ang booth na kinaroroonan ng aktres.
Isa si Rita sa personal na inimbitahan ni Marian para dumalo sa kanilang wedding ni Dingdong Dantes. Todo suporta naman ang loving husband ni Rita na si Direk Eric Reyes sa mga bumibili at nagpapapirma sa asawa.
The Invisible Wings ang title ng ikatlong librong isinulat ni Rita.