Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ, ‘di nami-miss si Paulo dahil laging katabing matulog

092314 paulo avelino LJ reyes

00 fact sheet reggeeNAPAKA-COOL mom pala ng nanay ng anak ni Paulo Avelino na si LJ Reyes dahil okay sa kanyang makilala ni Aki ang girlfriend ng aktor na si KC Concepcion.

Sabi ni LJ, “okay naman siguro ipakilala, kung seryoso naman sila sa isa’t isa, okay naman siguro. Kung long-term naman ‘yung vision nila sa relationship nila sige, pero kung short time (relasyon) lang, huwag naman kasi baka malito ‘yung bata.”

At kung sakaling sina Paulo at KC na nga, “ay okay ako, turuan niya si Aki ng (magsalita) ng French, kasi ako Chinese lang kaya kong ituro, ha, ha, ha.”

Sabi pa, “hindi ko personally kilala si KC, pero kilala naman siya ng lahat ng tao, so go, kung sila why not alam ko, she’s (KC) a very smart lady at alam kong maganda ang family values niya.”

Binanggit namin kay LJ na carbon copy ni Paulo si Aki mula ulo hanggang paa, pati gupit ng buhok, pati katawan, ngipin, at pagngiti.

Sabi pa namin na kaya hindi n’ya nami-miss si Paulo dahil katabi niyang matulog ang kamukha nito, “ha, ha, ha, ha, ganoon ba ‘yun?”

OKEY LANG MAKASAMA SA ISANG PROJECT

Okay lang din sa aktres na makasama si Paulo sa isang project, “oo, okay lang sa akin, kung maganda ang project why not? Hindi naman ako maarte, at saka trabaho ‘yun, sayang.”

Hindi ba maiilang si LJ?  Kadalasan kasi kapag mag-ex na ay ayaw na nila magkasama sa project.

“Ako kasi alam ko posisyon ko sa buhay kaya okay lang ako, trabaho ‘yun, eh, at saka civil naman kami ni Pau , nag-uusap kami ‘pag tungkol kay Aki,” paliwanag ng aktres.

May trust fund ba si Paulo for Aki,? “Inaayos pa niya, ha, ha, ha.  Mayroon naman ako (para kay Aki), pero siyempre sa kanya rin.”

WALA PANG IPINAPALIT KAY PAULO

Tinanong namin kung may boyfriend si LJ, “wala as in, paano ako magkakaroon, may ‘Yagit’ project ako, nag-aaral pa ako (tinatapos ang kursong economics) tapos mommy pa ako, so saan ko pa isisingit? At saka, wala pa sa loob ko, work muna at tapusin ko lang studies ko, lalo na ngayon, nag-i-air na ang ‘Yagit’ sa October 13, kontrabida ang role ko.”

EXCITEDSA THE JANITOR

Samantala, kasama si LJ sa The Janitor ng APT Films na distribute naman ng Star Cinema at excited ang aktres na napasama siya dahil ang gagaling daw ng mga kasama niya tulad nina Richard Gomez, Dennis Trillo, Alex Medina, Nicco Manalo, Sunshine Garcia, Ynez Veneracion, at Derek Ramsay na idinirehe ni Michael Tuviera.

At dahil Star Cinema ang maglalabas ng The Janitor kaya tinanong namin si LJ kung unang beses siyang dadalo sa pa-presscon ng nasabing movie outfit.

“Oo, pero hindi ko first time na tutuntong kasi nakapag-shoot na ako pero came role lang ng ‘She’s The One’ na pelikula nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo na idinirehe ni Mae Cruz.

“Cameo lang talaga hinila lang ako ni Perry (Linsangan-manager niya) tapos nag-shooting kami sa loob ng ABS-CBN, hindi naman first time,”say ng magandang mommy ni Aki.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …