Magkakaroon siya ng teleserye sa Kapuso Network na ang tentative title ay More Than Words. Dito’y muling makakasama niya ang dating ka-love team sa Seiko Films na si Rey PJ Abellana.
“Makakasama ko rito sina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Jaclyn Jose and Rey si PJ Abellana.
“Actually, it’s a drama, romance … May halong fantasy. Basta maganda siya, masaya and nakaka-in love,” pahayag sa amin ni Leni.
Ayon sa aktres, ang last soap opera na ginawa niya ay Sa Puso Ko Iingatan Ka ng ABS CBN at tinampukan ito nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual . Ang huling movie naman daw niya ay Mara Clara The movie ng Star Cinema.
Nabanggit ni Leni na natutuwa siya sa kanyang pagbabalik-showbiz. ”I’m very happy and excited, siyempre na-miss ko ang acting, e.”
ni Nonie V. Nicasio