Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessa, importante ang bansag na Phenomenal Diva!

ni RONNIE CARRASCO III

100314 jessa

STILL on the disgusting Himig Handog, natawa naman kami sa spiels ni Robi Domingo announcing the fifth and last set of finalists.

Kabilang kasi sa batch na ‘yon si Jessa Zaragoza who performed second to the last, the finale performer being Daniel Padilla na halatang sinadya ang pagkaka-sequence otherwise, makakalbo ang Araneta Coliseum made up of streamer-bearing Kathniel fans.

In Robi’s spiels, abangan daw ang Phenomenal Diva. Ang monicker o katawagang ito ay walang iba kundi kay Jessa lang, ‘yun ‘yong mga panahong nagsulputan ang iba’t ibang klase ng diva. Siyempre, Jessa had to have a title of her own.

Kung paanong phenomenal diva ang tawag sa kanya ay ganoon din ka-phenomenal ang kuwentong ibabahagi namin dito.

Once in a live show ay panauhin si Jessa, naka-stand by na siya on the wing near the stage. Siyempre, i-introduce siya ng tumatayong host ng palatuntunan.

Sigaw ng host, “Ladies and gentlemen, would you please welcome Ms. Jessa Zaragosa!” Palakpakan ang audience, pero walang Jessa Zaragoza na bumulaga sa entablado.

Thinking she was probably a few meters away from the stage, muling i-introduce si Jessa ng host, “Friends, put your hands together for Ms. Jessa Zaragoza!” Still, no Jessa Zaragoza went on stage.

Sa puntong ‘yon ay mayroon nang nagku-cue sa host, hindi raw dapat ganoon ang introduction kay Jessa. Bukod sa sumenyas ang staff ni Jessa ay halos isigaw nito ang wastong pagpapakilala sa singer.

Doon lang nasakyan ng host ang dapat niyang isigaw, “Ladies and gentlemen, please welcome the Phenomenal Diva herself…Ms. Jessa Zaragoza!”

At doon lang lumabas si Jessa.

NAKADEDESMAYA ANG MGA NANALO SA HIMIG HANDOG

WITH due respect to the judges—isa roon ay ang mahal naming si Boy Abunda—ay desmayado kami sa mga nagwagi in the recently concluded Himig Handog P-Pop Love Songs.

Early on kasi, we were rooting for Joven Tan’s Pare, Mahal Mo Raw Ako? interpreted by Michael Pangilinan not because ang manager ng umawit ay ang kaibigang Jobert Sucaldito, but because we were moved by its message at ang disturbing quiet ng likha ni Joven reinforced by its MTV.

Of the 15 finalists, nakapagtatakang the song hardly made it to the eight special awards, much less alinman sa limang puwesto. With an ear for music, modesty aside, we can tell a good song from a bad one.

Definitely, Joven’s composition is far from being bad. Tuloy, we couldn’t help but ask: natalo ba ang awiting ‘yon dahil sa tema nito tungkol sa lihim na pagtingin ng isang lalaki sa kapwa lalaki?

At kaya ba nasungkit ni Joven last year ang grand prize dahil oo nga’t tomboy si Aiza Seguerra who interpreted Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa?, pero universal naman ang tema ng pag-ibig nito?

Huwag nang ideklarang kampeon ang tandem nina Joven at Michael as it might too much asking, pero hello, papanalunin ba ang awitin niyong KZ something (were we seeing a pair of crispy pata on stage? Ang lakas naman ng loob niyang mag-mini skirt!), eh, ‘di hamak namang mas kapana-panalo ang entry ni Angeline Quinto?!

At ano ba naman ‘yung ibang mga kalahok na nagwagi rin? Mga danceable tunes!

Nagbalik-tanaw tuloy kami noong mayroon pang Metro Pop Music Festival, the era that gave birth to classic, timeless compositions by the masters interpreted by equally classic, timeless singers.

P-Pop is more of a commercial songwriters’ competition under the guise of a romantic theme!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …