ni Vir Gonzales
RATI, ipinagsisigawan nina Kris Aquino at AiAi delas Alas na para silang magkapatid at higit pa rito ang turingan.
Noong pumutok ang pangalang Vice Ganda, tumamlay ang pagiging BFF ng dalawa. Hanggang sa dumating ang puntong masikip na ang daigdig sa dalawa.
Lalo na noong maging close si AiAi kina James Yap at Tates Gana. May nagtatanong nga, magkaka-ayos pa raw kaya ang friendship ng dalawa? Or just tell it to the Marines?