SOBRANG marespetong tao si Coco Martin hindi lang sa kanyang buong pamilya kundi sa mga katrabahong artista, director etc.
Kahit sa mga naging leading lady ng aktor mapa-telebisyon man o sa pelikula ay maayos siyang makisama, lahat ay respetado niya at hindi tinatalo. Kaya masakit talagang isipin lalo na sa parte ni Coco na ma-involve sa isyung nalagay siya sa balag ng alanganin.
Siguro dahil siya ‘yung pinakasikat na artista na rumampa sa nakaraang The Naked Truth sa MOA Arena ay siya ang naputukan at sa kanya nasentro ang reklamo ng Gabriela Party-list at ng Philippine Commission on Women dahil sa ginawa sa isang segment ng Bench Sexy Fashion show kasama ang female foreigner, na miyembro pala ng Canadian Circus Troupe na gumanap na pet woman.
Actually kung tutuusin ay ibinase ang palabas sa isang Circus show na usong-uso sa ibang bansa. Kaso, iba nga ang naging dating nito sa mga taga-Gabriela kaya nag-react sila kasama ng ilang netizens na mahilig na talagang maki-kisawsaw sa mga isyu. At dahil lumaki na ito at pinagpipiyestahan na sa social media ay hindi nagpabaya ang butihing manager ni Coco na si Sir Biboy Arboleda. Agad siyang kumilos at nagpatawag ng press conference para sa kanyang alaga na nasasangkot nga sa very damaging issue na tulad nito.
Bongga dahil napagsama ni Sir Biboy ang lahat ng network para marinig ang panig nila at ng high profile na abogado ni Coco na si Atty. Lorna Kapunan kasama ang dalawa pang associates na sina Atty. Russell Tacla at Atty. Sonya Margarita Benemerito-Castillo na number one fan pala ni Coco. Hindi biro ang mga kasong hinawakan si Atty. Lorna Kapunan at para sa kanya ay walang kasalanan si Coco sa eksenang nangyari saThe Naked Truth. Sa pamamagitan ng kanyang IG account, humingi na ng despensa ang mismong may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan sa aktor sa pagkakasangkot sa controversial issue. Inilabas o inabswelto na ng Bench sa issue si Coco dahil ginawa lang niya ang kanyang part at hindi naman siya ang may gusto sa concept na ipinagawa sa kanya sa show.
Nag-apologize na rin si Mr. Chan sa Gabriella group at nangakong hindi na mauulit pa sa mga susunod nilang event ang ganitong pangyayari. Ang masakit na parte lang ay ‘yung nahusgahan agad ng ibang tao si Coco gayong inosente nga siya at hindi naman niya intensiyon na gawin ‘yung act na ‘yon sa show. Sa katunayan, sa ipinalabas na press statement ni Atty. Kapunan ay sina-bi niyang nag-attempt at nag-effort pa si Coco para kausapin ang production at choreographer para tanungin kung bakit ‘yun ang ipinagagawa sa kanya? Gusto niyang makipag-dialogue pero dahil hindi niya maintindihan masyado ang mga salita dahil majority ay mga foreigner ang kaharap at dahil na-finalize na ‘yung show ay nanahimik na lang ang actor.
“During the rehearsal most of the people on stage were foreigners and even the choreographer was a foreigner. Mr. Martin wanted to voice out his concern, particularly with the leash (tali) strapped on the neck of the lady model, but he failed to successfully communicate this thought because of the language barrier. Mr. Martin kept mum on his opinion on the matter because it was impressed upon him that the whole show was already finalized and he left insignificant as to cause a scene and demand on overhaul of the entire segment,” bahagi ng paliwanag ng kampo ni Coco at dagdag ni Atty. Lorna, hindi raw gugustuhin ng kliyenteng aktor na makasakit ng damdamin ng babae lalo’t mahal niya ang kanyang lolang nagpalaki sa kanya, ina at mga kapatid na babae. “Mr. Martin feels extremely sorry for what transpired and admitted that this incident taught him a major lesson to be more sensitive and mindful of the repercussions of his portrayals.
“Let it be clarified, however, that Mr. Martin did not have the slightest intention on his mind to insult women by this single unfortunate act. Mr. Martin has high regard for women just as he respects and loves his mother, grandmother, and his three sisters.” Ang hiling ni Coco ngayon ay pang-unawa ng publiko lalo pa’t hindi naman niya intensiyon na mangyari ito. At nangako rin ang actor na hindi na siya papayag na sumali pa at mag-portray ng ganitong act.
Samantala bumuhos ang suporta kay Coco galing sa mga kaibigan, katrabaho sa industriya. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mana-ger na si Sir Biboy, sa kanyang Dreamscape family na si Sir Deo Endrinal at sa ABS-CBN family. Mariin rin sinabi ni Kapunan na walang kasala-nan dito si Coco, kaya’t pinayuhan niya na ituloy lang kung ano ang kanyang mga ginagawa.
“My advice to Coco is to continue what he was doing. Meron siyang tinatapos pang mga project at huwag sana siyang magpaapekto. Ang feeling niya kasi head siya ng family.”
Samantala hiniling pala ng nasabing abogado sa Bench na alisin ang segment ni Coco sa DVD copy (kung meron man) ng show o ano mang video copy ng The Naked Truth na ire-release ng Bench kung sakali. Hindi pala nakarating si Coco na gusto sanang pumunta sa presscon pero dahil may naunang committment ay ipinaubaya na niya sa manager at abogado ang lahat.
Ayon kay Sir Biboy talagang malungkot at down ngayon ang kanyang alaga. “Honestly, malungkot si Coco. He’s down. Isa ito sa pinakamalaking dagok na nadaanan niya,” aniya.
Sa taon na ito ay magse-celebrate pala ng kanyang 10th anniversary at sa November 1 ay birthday ng Hari ng Teleserye sa Kapamilya network. Sa kagustuhang sumaya ang alaga, tinanong raw niya kung ano ang gusto niyang gawin?
“He’s never been to Boracay and he dreamt of going to Boracay dahil hindi talaga kaya ng schedule, so sabi ko, “punta tayo ng Boracay, dalhin natin ang pamilya mo.”
“Pero wala siyang lakas, para siyang isang gulay na nanlulumo. Malungkot ang anak (Coco) ko. Hindi niya siguro inaasahan na darating ito at mangyayari nang ganito kalaki.
“Kung meron siyang saloobin, may ikinasasama ba siya ng loob, may tao ba or grupo ba siya na kinatatampuhan, ang sasabihin ko sa inyo ay oo. Pero huwag n’yo na akong tanungin kung sino o alin kasi pang-ibang presscon ‘yon,” sambit ni Sir Biboy o Mother B.
Ibinalita na rin niya na one of these days ay haharap at makikipag-uusap si Coco kasama ng kanilang mga abogado kay Gabriela Party-list representative Liza Masa at sa Philippine Commission on Women para linisin ang pangalan ng sikat na aktor.
I’m very positive na soon ay maayos ang gusot na ito gyud!
TEAM CRAM NAG-CHAMPION SA GRAND FINALS NG DABARKADS PINOY HENYO WAGI NG TRIP TO HONG KONG WORTH 250 K
Last Saturday sa Grand Finals ng Dabar-kads Pinoy Henyo Edition sa Eat Bulaga ay nagbunyi ang Team Cram nang hirangin silang CHAMPION sa nasabing finals. Nakapag-uwi ang grupo ng premyong trip to Hong Kong worth P250,000.
Yes sa bilis na 12.93 second sa pagsagot sa pinahuhulaang kategorya ni Bossing Vic Sotto at Master Henyo Joey de Leon ay tinalo ng Team Cram ang mga nakalabang team na Sunny Buddies, G-Style, at Red Riding In Team.
Sa laban ay halata mo ang self-confidence ng nanalong team kaya naman presto sa loob ng konting segundo ay natumbok nila ang kategor-yang ipinukol sa kanila. Si Dabarkads Michael V, Kapuso newscaster Ivan Mayrina at Susan Enriquez ang mga judges noong hapon na ‘yun at lahat ay na-impress sa galing ng nanalong grupo.
Abangan ang susunod na edition na isasalang agad-agad sa Pambansang Laro ng Bayan na Pinoy Henyo.
ni Peter Ledesma