INAASAHANG papasok ngayong gabi sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Phanfone (international name).
Pagtaya ni state weather forecaster Gladys Saludes, Biyernes ng gabi inaasahang papasok sa sulok ng PAR line ang sentro ng bagyo. Bagyong Neneng ibabansag dito pagpasok ng PAR.
Gayonpaman, agad din itong lalabas dahil dadaan lamang ito sa dulo ng PAR.
Taglay ng ‘Phanfone’ ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour (kph) at may pagbugsong aabot sa 180 kph.
Inaasahang tutumbukin nito ang Japan.