CEBU CITY – Tostado ang dalawang bata nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Sitio Binabag, Brgy. Tayod, lungsod ng Consolacion kamakalawa.
Sina Mikay, 5, at Raffy 6, kapwa ampon ni Rudy Bandibas, ay natosta sa loob ng bahay.
Ayon sa imbestigasyon ni SFO1 Jemeserio Buris ng Consolacion Fire Station, naglalaro sa loob ng kwarto ang dalawang bata at hindi namalayan ang paglaki ng apoy kaya hindi sila nakalabas.
Nabatid na ang tanging kasama ng mga bata ay caretaker ng bahay ngunit nahirapan sagipin ang mga biktima dahil malaki na ang apoy.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.