Saturday , November 23 2024

No wage increase sa gov’t workers — Abad (Insentibo lang)

100214_FRONT

AGAD kumambiyo si Department of Budget (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad sa kanyang pahayag na walang wage increase na maipatutupad para sa mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon.

Sinabi ni Abad, bagama’t walang inaasahang dagdag sa sahod ng mga empleyado ay may dagdag sa kanilang insentibo.

Dahil dito, makatatanggap ang mga kawani ng gobyerno ng productivity enhancement incentive (PEI) na aabot hanggang P5,000 o katumbas ng isang buwan sweldo.

Paliwanag ng opisyal, sa kasalukuyang patakaran, matatanggap ang pinangakong insentibo “across the board”.

Aabot sa 1.4 milyong empleyado ng gobyerno ang makatatanggap nito bago matapos ang 2015 ano man ang kanilang performance ratings.

Dagdag ni Abad, ang PEI ay hiwalay sa performance-based bonus (PBB) at 13th month pay na regular na natatanggap ng mga empleyado.

Ang pondo para sa PEI program o insentibo na umaabot sa P14 bilyon ay nakapaloob na sa 2015 national budget.

Nabatid na sa Senate Committee on Finance hearing para sa proposed budget ng Department of Budget and Management (DBM) sa 2015 na P1.4 billion, sinabi ni Abad na walang pondong nailaan para sa mga empleyado ng gobyerno.

Bukod dito, bigo rin ang gobyerno na tapusin ang salary at benefit compensation survey na magiging basehan sa panibagong wage increase sa ilalim ng Salary Standardization Law III (SSL III).

HATAW News Team

100214 teacher guro rali protestWORLD TEACHERS’ DAY. Sumugod sa Mendiola ang mga guro bilang maagang paggunita sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5, bitbit ang mga plakard upang igiit ang pagsasabatas ng House Bill 245, naglalayong itaas ang sahod ng mga guro. Hiniling din nila sa nasabing protesta ang pagbaba sa buwis at pagbasura sa K to 12 education program. (BONG SON)

DAGDAG SWELDO SA GURO SUPORTADO NG DepEd

SUPORTADO ng Department of Education DepED) ang panukalang batas na naglalayong taasan ang salary grade ng mga pampublikong guro sa bansa.

Ayon kay Senador Edgardo Angara, isa sa naghain ng panukalang batas, nais niyang mula salary grade 11 ay maging 18 ang public teachers na aabot ang sweldong matatanggap sa P33, 000.

Kaugnay nito, sinabi ni Benjamine Valbuena ng Alliance of Concerned Teachers, hindi dapat sisihin ang mga guro kung sila ay kumakapit sa patalim dahil maliit lamang natatanggap nilang sahod na hindi sapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Tinukoy ng grupo ang tatlong guro na binaril at napatay nang singilin sa inutang nilang pera, at ang pagkabaon sa iba’t ibang loan ng mga guro.

Samantala, umaasa si DepED Secretary Armin Luistro na maipatutupad ang panukalang dagdag sahod para sa mga guro sa 2016.

Tulad ni Angara aminado rin si Luistro na ang isa mga dahilan ng pangingibang-bansa ng magagaling na guro ay dahil sa maliit na sweldo.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *