Friday , November 15 2024

Kotongan sa pantalan inamin ng Palasyo

100214 truck port pier

INAMIN ng Palasyo na talamak ang kotongan sa pantalan kaya’t magbabalangkas ng mga bagong patakaran ang Bureau of Customs (BoC) para maayos ang sistema nang paggalaw ng mga kargamento.

Sa katunayan, ayon kay Cabinet Secretary Rene Almendras, pwede na siyang magsulat ng ‘Handbook on Kotong’ para talakayin ang malalang pangingikil sa importers at truckers sa loob at labas ng pantalan.

“Ano po, pagkatapos nito pwede na akong magsulat ng ‘Handbook on Kotong’. Meron pong kotong sa labas, merong kotong sa loob, may kotong sa dinadaanan, may kotong sa…I’m sorry, as I said, the task force decided. Nandito na tayo, we are trying to solve this problem. Let’s do the most we can to clean up the process,” aniya.

Mag-iisyu aniya ang BoC ng bagong alituntunin kung sino ang pwedeng pumigil at mag-release ng mga kargamento, alinsunod sa pagresolba sa problema ng port congestion at lutasin ang suliranin sa kotongan.

“So, Customs is going to issue a new guideline. Customs is going to issue guidelines kung sino ang pwedeng mag-hold ng cargoes, sino ang pwedeng mag-yes or mag-no ng movement ng cargo. There will be a procedure to verify na the importer has the…I guess the word po is transparency,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

 

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *