Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bawal sa EDSA

00 joy to the world ligaya

Blessed are you when people insult you, persecute you and falsely say all kinds of evil against you because of me. Rejoice and be glad, because great is your reward in heaven, for in the same way they persecuted the prophets who were before you. –Matthew 5:11-12

NAPAG-ISIP ang marami sa panukala ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Ariel Inton, Jr na ipagbawal ang mga private vehicles sa EDSA tuwing rush hour (6am to 9am at 6pm to 9pm).

May punto ang dating konsehal ng Quezon City sa kanyang suhestyon sa mga kapwa board member sa LTFRB na upang maibsan ang problema sa trapiko, pagbawalan dumaan ang lahat ng uri ng private vehicles sa mga nabanggit na oras at hayaan ang mga public utility vehicles, (bus, taxis, AUVs) na maghari sa EDSA.

Aba, pwedeee?!!!

***

SA lahat yata ng mga naghahanap ng solusyon para sa problema sa trapiko, ay mas aprub ang panukalang ito ni Atty. Inton para sa akin.

Parami kasi ng parami ang mga private vehicles sa lansangan, pero hindi naman nadadagdagan ng mga kalsada. Mas marami pa rin mga Pinoy ang ang walang sariling tsekot na pag-aari kaya marami pa rin ang namamasahe o nagco-cmmute.

Kaya nga patok ang transport business sa ‘Pinas!

***

KAPAG naipatupad, bawal ng dumaan sa EDSA ang mga private motorist tuwing rush hour at maghanap na lamang ng mga alternative routes upang makaiwas sa huli.

Natuklasan kasi na mas maraming sakay ang mga PUVs kaysa sa mga pribadong motorista na dahilan kung bakit nagsisikip ang daloy ng trapiko sa EDSA araw-araw. Pero siyempre tutol dito ang mga may-ari ng SUVs, BMW, Camry, at iba pa.

Biruin mo naka coat and tie sila tapos pasasakayin mo lang ng bus?!

***

PERO sana naman bago maipatupad ang polisiyang ito ay ayusin ang public transport system at seguridad sa mga lansangan ng EDSA..

Laganap pa rin kasi ang holdapan sa mga bus, mga salisi sa MRT, snatcher sa EDSA, su-balit, kapag ganap nang naayos ang lahat ng ito siguradong maraming papabor, dahil para naman ito sa ikagiginhawa ng lahat ng sektor. Konting sakripisyo lang naman mga kabarangay.

Well, sa akin walang problema d’yan, hindi naman kasi ako dumaraan sa EDSA! Ehek!

SUMBONG, PROBLEMA, OPINYON

MGA kabarangay narito naman ang mga ipi-naabot ninyong problema para sa ating mga kinauukulan na nais ninyong aksyonan.

LALAKI ANG POPULASYON

SA 4-DAY WORK POLICY

Magandang araw po chairman, ‘wag po ta-yong pumayag sa 4 na araw ang trabaho, nagti2pid nga cla, da2mi naman ang paka2inin syempre mada2dagan naman ang mga bata, alam n’yo na! –094750585+++

SAGOT SA PROBLEMA

SA TRAPIKO, MAGBISIKLETA TAYO!

Hindi solusyon ang 4 day work sa gobyerno para maresolba ang trapik sa metro manila, dadami lamang ang tamad na empleado kapag ipinatupad ito, magbisilekta na lang para walang trapik, ‘yan ang tamang solusyon, wala pang polusyon! –Juan ng Tundo

ROBERT JAWORSKI GAWIN COACH SA GILAS PINAS!

Che gud am! Tama po i-revamp ang Gilas Pinas team. Kumuha ng matatangkad (greg slaughter) at matatapang na player. Gawin head coach ang end game at defensive specialist na si (dating PBA player-caoch) Robert Jaworski! –090887873++

RUGBY BOYS NAGKALAT

SA CARRIEDO, PAGING DSWD HONEY LACUNA-PANGAN!

Nagkalat ang mga rugby at solvent boys sa sta.cruz carried, puro pa menor de edad tuwing hatinggabi ay nag-uumpukan cla sa bantayog na nakatayo pagbaba ng mcarthur bridge, sna naman magawan ito ng paraan ng dswd dahil pag lango n cla s droga, nangha-hablot at nagnanakaw na cla s mga dumaraan jeepney, paki lng po chairman santos —concerned citizen

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

 

Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …