Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Usual!

00 BANAT alvin

PALAGIAN nating sinasabi na magandang kaibigan at kakampi si PNoy dahil grabe siyang magmahal ng kasangga.

Ito ang nakikita ngayon ng taong bayan dahil imbes imbestigahan niya si DBM Sec. Butch Abad ay agad niyang inabswelto sa DAP.

Maging ang pinuno ng Senado na si Franklin Drilon ay kaagad niyang nilinis ang pangalan tungkol sa bilyong DAP na nakuha nito na ipinampatayo rin ng kwestionableng Iloilo Convention Center na ang kontraktor din ni VP Jojo Binay ang gumawa.

Ang pinaka-latest na pag-aabogado naman ng anak ni Tita Cory ay kanyang ginawa kina PNP boss Director General Alan Purisima at DoTC Sec. Jun Abaya na parehong nasasangkot ang dalawang opisyal sa kwestiyonableng ari-arian at transakyon sa kanilang pinamamahalaang opisina.

Imbes ipag-utos muna ang imbestigasyon o bumuo ng fact finding committee na kanyang ginagawa sa kanyang mga kalaban sa politika ay agad inabswelto ni PNoy gayong malinaw sa larawan at videos na nakunan ng isang TV network ang sangkatutak na ari-arian ni Purisima na tiyak na aabot sa daang milyong piso o bilyong piso pa ang halaga.

Hindi rin kinakitaan si PNoy ng kanyang panggigigil kay Abaya na sinasabi ng Ombudsman na kailangan magpaliwanag tungkol sa nilagdaan niyang kontrata noong Oktubre 2012 na umabot sa $1.15 kada buwan ang ini-award sa PH Trams-CB & T para sa buwanang maitenance ng MRT, na araw-araw na lamang dumaranas ng pagkasira.

Mahirap din pasubalian ang initial findings ng Ombudsman na walang bidding na naganap sa naturang transaksyon gayong napakalaki ng halaga nito at lalo silang maiipit dahil nakita rin ng naturang watchdog na ang isa sa opisyales ng PH Trans na si Arturo Soriano ay tiyuhin ng asawa ni Al Vitangcol, dating boss ng MRT at kasama ni Abaya sa kaso.

Kitang-kita sa mga sitwasyon ang katangian ni PNoy at iyan ang dapat sigurong baguhin ng pangulo dahil bilang pinuno ng estado, sa kanya umaasa ang mamamayan nang maayos at tapat na paglilingkod.

Tuwid na daan ang kanyang ipinangako noon at ngayon, pero sa ating nakikita mukhang ang tuwid na daan ang magpapabagsak sa kanya dahil imbes sibakin o pagpahingahin muna niya ang kanyang mga tauhang kaibigan at kapartido ay siya pa ang kaagad na nag-aabswelto rito gayong hindi pa niya pina-iimbestigahan.

***

Sangtambak na ang humihiling ng resignation ni PNP boss Alan Purisima.

Nariyan ang panawagan nina Speaker Sonny Belmote, pinuno ng Kamara at dating senador Ping Lacson.

Maging si Senadora Grace Poe ay pinagpapahinga na rin si Purisima dahil matibay naman daw ang ebidensiya.

Dito masusukat ang tibay ng mukha ni Purisima sa naturang isyu dahil kung talagang mahal niya ang PNP at si PNoy na kanyang amo ay agad na siyang magreretiro dahil nagiging dahilan pa siya ng pagbagsak ng liderato ng pulisya at kredibilidad ng pangulo.

 

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …