ni Timmy Basil
PERO si Sylvia Sanchez, nagsasabi na magpapahinga muna siya ng 2 to 3 months. Feeling kasi niya na sa loob ng mahigit dalawang taon ay napabayaan niya ang kanyang esposong si Art Atayde at mga anak.
Babawi raw muna siya sa pamilya niya although hindi naman talaga totally magpapahinga dahil mayroon pa rin naman siyang aasikasuhin gaya ng business nila ni Art.
Sa mga nang-iintriga na baka si Sylvia na ang hahawak sa career ng kanyang anak na si Arjo, wala raw itong katotohanan. “Hindi ako nakikialam sa career ng anak ko. Ang Star Magic po ang nagpapatakbo ng career ni Arjo,” sabi pa ni Sylvia.
Basta pagkapahinga niya ng 2 to 3 months ay babalik din kaagad sa telebisyon si Sylvia dahil ngayon pa lang ay may mga kinakausap na ang kanyang manager na si Tita Angge na posibleng magiging next project niya sa ABS-CBN.