Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, binabantayan sa taping ng executive ng TV5

081114 robin

00 fact sheet reggeePARATI pala talagang nasa taping ng Talentadong Pinoy si TV5 executive, Ms. Wilma V. Galvante at hindi naman sinabi ang dahilan.

Ang host nitong si Robin ang nagsabing, “eh, kaya ko tinanggap itong ‘Talentadong Pinoy’ dahil kay ma’am Wilma, kaya siya nandirito.”

Masayang ibinalita sa amin ng executive na natutuwa siya dahil nasa Top 10 ang Talentadong Pinoy sa AGB Nielsen TV ratings weekends, “so far, sa mga programa ng TV5, ‘Talentadong Pinoy’ lang ang pumasok kaya nakatutuwa.”

So, may season 3 ang TP, “next year na siguro.” Say sa amin ng bossing ng TV5.

Ang ibinalita sa amin ni Ms. Wilma ay may sitcom si Derek Ramsay bukod sa Amazing Race na mapapanood na sa Oktubre 6.

“Makakasama ni Derek si Empoy, the title is ‘Mac and Cheese’, ‘yun ang abangan ninyo, nakatutuwa talaga, ang galing ni Empoy,” masayang say ni WVG.

Natanong din namin ang kaso ni Sharon Cuneta na hindi tinapos ang kontrata sa TV5 kung hindi ba ito hahabulin ng network?

“Hindi ko nga alam ‘yun, eh, kasi nasa ibang bansa ako that time, nabasa ko na lang. Wala akong alam tungkol doon kasi wala pa naman ako noong kinuha siya at hindi rin naman ako nagtatanong sa management,” sabi sa amin.

At ang sagot sa mga tsikang nagtitipid ang TV5 kaya hindi na sila nagre-renew ng mga artista nila.

“Yes, per program contract na lang sila. It’s management decision din na hindi na lang mag-renew, kasi it’s useless na iko-kontrata mo ang mga artista tapos wala rin namang programang maibibigay, mahirap din ‘yun sa management side, so it’s per program basis na lang,” pag-amin ni WVG.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …