Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging Primetime King ni Richard Gutierrez ininsulto ng GMA

100114 Richard Gutierrez

00 vongga chika peterKAHIT ano pa ang sabihin ng iba riyan noong time na nasa GMA 7 pa si Richard Gutierrez, siya ang may hawak ng titulong “Primetime King.”

Hindi naman siguro makukuha ni Richard a
ng titulong ito kung wala siyang napatunayan sa network na kinabilangan.

Yes, halos lahat ng project ni Chard sa Kapuso ay pumatok sa televiewers. Ilan sa mga ginawa niya na kumita nang limpak-limpak na salapi ang estasyon ang Mulawin, Majica at Captain Barbel.

Hindi lang ‘yan, kahit ‘yung mga Docu program na ipinahawak nila noon sa gwapong aktor bukod sa nagkamit ng award ay marami rin ang sumuporta sa programa. Dumating pa sa punto noon na dahil sa sobrang in-demand sa dami ng project ay walang binatbat kay Richard ang mga kasabayang kapwa Kapuso actor lalo’t hindi lang hit sa TV kundi maging sa pelikula rin ng GMA Films.

Pero dumating ang time na hindi na masyadong kagandahan ang proyektong ibinibigay sa nasabing actor na naging dahilan yata kaya hindi na nag-renew ng kontrata. Ngayon ay may bagong alok ang GMA kay Chard, pero short term lang. Sila sana ng live-in partner na si Sarah Lahbati ang bida sa isang episode sa bagong weekly show.

Siyempre tumanggi ang anak ni Tita Annabelle Rama dahil hindi naman siya baguhan o isang starlet sa industriya para bigyan lang ng maikling exposure. May ganito rin daw offer ang TV 5 na one week guesting na si Chard pa rin ang bida pero agad nag-decline ang aktor.

‘Yung Talentadong Pinoy tinanggap niya dahil judge lang siya roon pero para sa project na pang-one week lang ay very insulting naman siguro on his part, ‘di ba? Kita n’yo naman kahit ginaganyan nila si Richard bukod sa very happy at contented sa piling ni Sarah at sa super cute nilang anak na si Baby Zion ay mataas rin ang rating ng kanilang Reality TV show na “It Take Gutz To Be A Gutierrez” na pinagbibidahan ng buong pamilya.

Papa Chard, congrats gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …