Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manolo Pedrosa at Janella Salvador, malakas ang hatak sa fans!

091314 Manolo Pedrosa  Janella Salvador 

00 Alam mo na NonieMULA nang gumanap sa MMK sina Manolo Pedrosa at Janella Salvador, lalong nakita kung gaano kalakas ang hatak nila sa fans. Maganda ang naging feedback sa paglabas ng dalawang bagets sa drama anthology ni Ms. Charo Santos.

Sa ganda ng pagtanggap ng fans kina Manolo at Janella, nakatakda silang bigyan ng sariling TV show ng ABS CBN.

Sa panayam kay Janella sa Aquino & Abunda Tonight, nabanggit niya na ang working title ng forthcoming show nila ay O.M.G. na siyang favorite expression ng dalaga sa top rating daytime show nilang Be Careful With My Heart.

Ayon pa k ay Janella, bukod kay Manolo ay makakasama rin nila rito si Marlo Mortel, katambal niya sa show na pinagbibidahan nina Sir Chief at Maya.

Sa parte ni Manolo, natutuwa siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makatrabaho si Janella.

“Sobrang mabait siya kahit sobrang may experience na siya sa acting, she’s very patient with me. Kasi ako, sobrang nahirapan na ako at kahit marami na akong take, mabait pa rin siya.”

Hanga rin si Manolo sa ganda at kabaitan ng aktres, “I would say mabait si Janella at maganda siya.”

Ayon naman sa manager ni Manolo na si katotong Jun Reyes, natutuwa siya dahil maganda ang chemistry nina Janella at Manolo. Malakas din daw ang pampakilig ng dalawa sa fans.

Nagpapasalamat din si Jun sa suportang ibinibigay ng Kapamilya Network kay Manolo.

“Thankful kami sa ABS CBN, kasi puro magagandang projects ang ibinibigay nila Kay Manolo. Like sa Luv U, binigyan siya ng magandang role kasama si Miles Ocampo dito. Tapos sa MMK si Janella naman and ngayon ay napapanood na rin si Manolo sa Hawak Kamay at maganda ang exposure niya rito.”

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …