UMARANGKADA nang ganap ang opisyo ng prositusyon sa pagbubukas ng ipinasarang LIBERTY CLUB nina Double Jay na umano’y taga-media at classified ads at obituary editor ng isang daily broadsheet. (Promoted na palang editor ang patong na newsman. Hehehe).
Sa kabila nang ginawang pagpapatawag ni Parañaque CityMayor Edwin Olivarez sa operators at maintainers ng night entertainment establishments para ayusin at ilagay sa ayos ang takbo ng kanilang pagnenegosyo sa lungsod. Ito ay bunsod ng serye ng pagbatikos natin sa mga club cum putahan sa Southern Metro Manila partikular na sa Parañaque at Pasay.
Pero sa kabila nang aksyong isinagawa ng mismong si Mayor Olivarez, tila hinamon pa nina Double Jay (Bonnie & Clyde ng media) ang mga awtoridad sa talamak na pagpapalabas ng malalaswang panoorin sa LIBERTY club na nasa Service Road ng Roxas Boulevard at LA LA LAND club na nasa dulo naman ng Roxas Blvd. – Airport Road.
Nitong weekend, tumatabo ang kita ng dalawang club nang mahigit sa 1-M sa araw ng Biyernes at Sabado. Siyempre pa, abot hanggang tenga ang ngiti ng mga ‘media-patong’ na tolonges. Pero ang hindi nila alam, under surveillance na muli ang dalawa sa pinaka- notorious night clubs diyan sa siyudad ni Mayor Olivarez.
Hindi lamang ang tanggapan ni NBI Director Virgilio Mendez at NBI-Anti Human Trafficking Divison-IACAT chief, Atty. Dante Bonoan ang nakamasid sa di kalayuan kundi maging ang opisina ni NCRPO chief, General Carmelo Valmoria.
Positibo kasing bukod sa hubo’t hubad na palabas sa center stage ng mga nasabing club cum putahan, talamak din ang sex services sa VIP room at bar fine sa LIBERTY at LA LA LAND.
Ano nga ba naman ang maaasahan natin sa establisimiyentong pag-aari ng isang certified Yakuza gang OGAG – WA member na ginagamit na dummies at front ang ilan nating enterprising media men and women?
Nakahihiya ano po? Hindi likas na gawain ng isang Pilipina!
Diyan pa rin po sa Parañaque, tuloy pa rin Mayor Olivarez ang paghataw ng male-prosti club WHITE BIRD Disco na pag-aari ng isang alyas Willy Kalbo at minimantine ni JOVEN Bugaw. Katabing-katabi lamang ngLIBERTY club. Sa banda lamang doon, halos naaamoy na ng mga deboto ng Our Lady Of Perpetual Help Parish Church (simbahan ng Baclaran) ay isa pang club cum putahan na DYNASTY REAL na pag-aari naman ng isang DIONISIO SY.
Sa Airport Road, mistulang siga at untouchable na putahan ang class na Airforce 1 na bukod sa isang 5-star club ay mayroon pang spakol sa basement.
Dekada nang namamayagpag ang establisimiyentong ito ni alyas PACO na super lakas daw hindi lamang sa pulis at NBI kundi maging sa city hall ng Parañaque.
Ambot lamang kung totoo nga ito Mayor Edwin Olivarez sir?
Sa Pasay, naririyan ang siga-siga ring sauna bath cum putahan na BUENDIA LAPU-LAPU HEALTH SPA na pinamamahalaan ng bonggang si BETH Bugaw.
Exact address po nito Director Mendez at General Valmoria, diyan po malapit sa kanto ng Gil Puyat Avenue-Leveriza. Hindi lamang NBI, NCRPO, local PNP ang binabanggit at ipinagyayabang na ‘patong’ ni BETH Bugaw kundi maging ang CIDG ni General Benjie Magalong.
May mahaba pong listahan ng mga kolektor ng payola ng bawat units si BETH na kanyang handang ipagbanduhan kapag ni-raid daw ang kanyang putahan.
Nasa Roxas Boulevard naman malapit sa kanto ng Vito Cruz ang CLUB C’ZAR ng isang Nel YATBULS na pinamamahalaan ng dalawang bugaw na sina MANNY at MARINO.
Sa FB Harrison naman ang RICHMAN CLUB na bagama’t kahuhuli lamang nitong weekend ay balik opisyo na naman sa pambubugaw ng mga menor de edad na kababaihan. Nasa 2nd floor po ng nasabing club cum putahan ang mga VIP rooms. May secret passage patungo sa mga silid na ito na lingid sa mga awtoridad Pag-aari ito ng isang alyas Zaldy.
Nasa Arnaiz Avenue naman ang bonggang SOLUTION Disco na pag-aari ni Sonny Bascon na ubod naman daw ng lakas sa Pasay City Hall. Gay bar ito na talaga namang pugad ng kababuyan!
Bukas muli ang VOCANO Disco ni Joe Chang at ni Paglabuan sa Taft Avenue near Libertad. Harap lamang ang putahang ito ng PCP 4 ng Pasay PNP.
Sakop ng PCP 7 ng Pasay PNP pa rin diyan sa EDSA –Philtranco ang beerhouse cum putahan ni alyas Tony Kalkal NOSCAL.
Hindi na natin bubulabugin pa ang binubugbog sa kasong si Vice President Jojo Binay na siya sanang may hawak ng Inter Agency Committee Against Trafficiking (IACAT) dahil obviously wala nang panahon para sa mga ganitong concern ng pamayanan.
Sapat na ang tanggapan nina Director Virgilio Mendez ng NBI at NCRPO chief, General Carmelo Valmoria.
It’s like hitting so many birds in one stone mga idol. Kapag hinuli n’yo po at sinalakay ang mga establisimiyentong ating pinuntirya, pati mga scalawag ninyong mga tauhan na may ilang taon nang patong sa mga putahang ito ang mabubukayo.
Malalaman po ninyo mga sir kung sino-sino ang mga “BOKULERO” sa inyong hanay!
Wanna bet?
ABANGAN!!
Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong